________
Ahhh!! Ang sakit ng ulo ko.Ahhh!!!!
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko ngunit wala akong makita.
Shit anong nangyari? Nabulag na ba ako? Bakit di ako makakita? Nasaan ako.
Sinubukan kong gumalaw ngunit nakatali pala ang mga kamay at paa ko pati rin pala ang bibig ko. Napansin ko ring may dumadampi na rough na bagay na parang sako sa mukha ko. Oh no, wag mong sabihing pati ang ulo ko ay binalot niya ng sako. Shit!! Kadiri! Kaya pala mabaho.
Shit sinong may gawa nito sakin. Unti-unti na akong nakaramdam ng takot. Naluluha na rin ako. Kumakabog na rin ang flat kong dibdib. I'm scared!! Ano nang gagawin ko.?
Gumalaw galaw ako at sinubukang makawala sa tali ngunit ang higpit ng pagkakatali sakin. Nararamdaman ko ring nakaupo ako sa isang upuan.
Pano ba kasi ako napunta dito? Sinong nagdala sakin sa lugar na to.
Ahhh!! Ang sakit na ng mga kamay ko sa kapipilit na makawala.
Ano nga ang nangyari. Mag-isip ka Jeremy. Mag-isip ka.
Ilang sandali pa ay may mga yapak akong naririnig at papalapit ito sa akin. Tumahimik na ako at tumigil sa paggalaw.
Biglang bumalot sa paligid ang mga ingay ng insektong nagsilabasan sa gabi. Feeling ko tuloy nasa gubat ako. Pero maririnig ko ring may mga hampas ng alon. Nasaan ba talaga ako?
Kinabahan na ako ng todo. Maririnig ko na ang pagtalon ng puso.
Tog, tog!!
Tog, tog!!
Tog, tog!!
(yan ba yong tunog ng puso? Ahhh basta ganon.)
Huminto ako sa kakagalaw at hinintay ang susunod na mangyayari.
Jeremy magpakatatag ka. Wag kang matakot, wag mong piralin ang pagiging bakla mo. Isantabi mo muna yang takot mo at kung maaari lakasan mo ang loob mo. Sabi ko sa sarili ko.
Kailangan ko tong gawin para palakasin ang sarili ko.
Matapos ang sandaling katahimikan ay kinuha niya ang sako na nakabalot sa ulo ko.
At nang matanggal na!!
..
OH MY MAMA!!!
Sisigaw na sana ako ngunit na kalimutan kong nakatali pala ang bibig ko.
Tumulo na lang ang luha ko ng tuloy tuloy ng makita siya.
Hindi man masyadong maliwanag pero nakita ko ang mukha niya ng matamaan ng dala-dala niyang flashlight.
Sino siya? Bakit siya nakamaskara? Siya na ba ang kidnapper?
(Malamang Jeremy obvious ba? Hahahahaha)
Inilawan niya ako. Ako naman patuloy sa pag-iyak.
Laking gulat ko na lang ng pinakita niya ang matulis na kutsilyong hawak hawak niya.
Holly Mary, iligtas niyo po ako. Lahat ng mga Santo na nasa langit gumawa kayo ng himala. Kausapin niyo si papa Jesus na iligtas ako dito ayoko pang mamatay. Please!
Malabaha na rin ang mga mata ko ng magpakawala ng maraming luha. Hindi ito nauubusan.
Hindi ko na alam ang nararamdaman ko.
Kinuha niya ang nakatali kong kamay.
Ipinahawak niya sa akin ang kutsilyo ngunit mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Pumunta siya sa likuran ko at tinanggal ang mga tali mula sa dibdib hanggang sa matanggal ang mga braso kong nakadikit sa katawan ko. At ang nakatali na lang ngayon sa upuan ay ang tiyan ko pababa.
Sinubukan kong kumawala sa mahigpit niyang pagkahawak ngunit hindi ito kinaya ng lakas ko.
Shit ano bang gagawin niya?
Nang nasa likod ko na siya ay naramdaman kong yumakap siya sa akin. At..at...
..bahagya niyang itinaas ang kamay ko na may hawak na kutsilyo. Hindi ko makita kong nakatutok ba talaga sa akin ang kutsilyo dahil nga madilim ang paligid.
At....n-nang bigla niya itong binaba sa direksiyon ng tiyan ko.
At doon ko naramdaman ang pagtusok ng matulis na dulo ng kutsilyo sa tiyan ko. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang mainit na dugo na dumaloy sa katawan ko, unti-unti na akong nanghina, at nawalan n-ng...m-ma...l-lay..................
____________
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Beast Friend
Mystery / ThrillerGalit. Poot. Pagkamuhi. Pagkasuklam. Ang namumuo sa kanyang mga mata. Bestfriend? O Beast friend. Gaano mo ba kakilala ang kaibigan mo? GAANO MO KAKILALA ANG IYONG MGA KAIBIGAN??