Shannen's POV
"Pinalayas siya ni Don Andres. " seryosong sabi ni Margo. Hindi agad ako nakapag salita sa narinig ko.
Alam ko na iba yung tingin ni Don Andres kay Isabel at alam ko ding may gagawin siya kay Isabel pero hindi ko naman inexpect na pagpapalayas agad yung naisip ni Don Andres na parusa sakaniya.
"Wait. Teka. Bakit? Palayas agad? Hindi pwede pagalitan lang, ganun?" tanong ko.
"Akala ni Don Andres na kaya tayo 'nagkakaganito' dahil sa nainom nung totoong Carolina, Janela, at Serena. It's all just a big misunderstanding." sabi ni Margo.
"Kaya nga as our 'Ate', we need YOU to get her back. " sabi naman ni Pheobe. Napakunot naman yung noo ko sa sinabi niya.
"Hold up! Why me? Alam niyo naman na hindi ako magaling sa ganyan." sabi ko. "Atsaka sa paanong paraan? I'm not good at words and alam niyo rin ang problema ng dila kong 'to. Baka mamaya kung ano pa ang masabi ko. " sabi ko habang naka cross arms.
Ayoko! Oo nga't nagulat ako sa mga pangyayari pero kasi I can't. Nakakababa ng pride.
"Shannen, come on! Isipin mo, siya yung laging nandiyan para satin diba? Hindi niya tayo iniwan at diba sinabi niya din na mula 7 years old palang siya tagapagsilbi na ng mga tunay na tres marias ng pamilya Sto. Domingo? I'm sure maski sila, hindi sila sang-ayon sa pagpapalayas kay Isabel nang dahil lang sa misunderstanding. MISUNDERSTANDING. " pag-uulit ni Margo. Mas lalo namang napakunot yung noo ko sa sinabi niya.
"What's wrong with the both of you? Hindi na kayo yung kilala kong Margo and Pheobe. Hindi na kayo yung bitchesitang kikay na kikala ko. Wala na ba yung kilala kong Margo and Pheobe na Queen bee? Yung Margo and Pheobe na walang pake-alam sa mundo bukod sa pagmomodel at volleyball? " tanong ko sakanila. Nagtinginan yung dalawa at napa-iling.
"Alam mo kasi Shannen, nasa ibang panahon tayo eh. Yung panahon na kung saan kinakailangan nating isantabi yung pagiging bitch natin. Yung panahon na kung saan hindi tayo taga-dito. Yung panahon na kung saan nabuo ang nakaraan ng bansa natin.
Yung panahon na kung saan kailangan nating lumugar! Hindi ito yung lugar na kung saan tayong tatlo yung namumuno. Hindi ito yung lugar kung saan tayo ang mga Queens at pwede natin tapakan ang kahit sinong madadaanan natin. Hindi ito yung lugar na kung saan tayo lumaki, Shannen. Sana maintindihan mo na ibang-iba ang panahong ito sa panahon natin. Madaming bawal at sobrang laki ng pinagbago. Sana naman maintindihan ng isang katulad mo. "sabi ni Pheobe. Natahimik naman ako sa sinabi niya.I felt a pang of guilt. Hindi ko inexpect na maririnig ko 'to sakaniya. Sa dami-dami nang sinabi niya pero ang tumama lang sakin dun yung 'Sana naman maintindihan ng isang katulad mo'.
Ano ba ang isang katulad ko? Babaeng matalim ang dila? Babaeng walang ibang ginawa kundi lamunin ang nakaraan ko?
Napahinga ako ng malalim at napa-isip. Kailangan ko ba talagang gawin 'to? Ugh.
"I guess I have no choice? " sabi ko na ikinangiti naman ng dalawa dahilan para yakapin nila ako ng mahigpit.
"Thank you, Shans! Sorry din sa mga nasabi ko. Huhu. " sabi ni Pheobe habang nakayakap sakin. Hinampas ko naman yung ulo niya.
"Isa pang 'huhu' mo, diretso ka sa bintana ko. " sabi ko habang nakayakap padin ang dalawang bruha sakin.
-
Kakatapos lang namin mag-agahan at naghahanap ako ng tiyempo para makausap si Don Andres. Kanina pa ako paikot-ikot sa kusina at iniisip ko kung anong sasabihin ko.
What the frik naman oh! Para akong ewan dito. Kinakagat ko yung daliri ko at tumatalon talon. First time ko ulit gagawin 'to! I don't like asking favors. At talagang dito pa sa sinaunang panahon ko gagawin kung saan hindi ko totoong mga magulang ang nandito. Buti sana ku-
BINABASA MO ANG
A Love That Lasts
Historical Fiction{Highest rank achieved: #3 in Historical Fiction, #13 in Fictional} What does it feels like to be inlove? What does it feels like to be loved? Everything is a mess and blurry until I met this guy from the year 1800. Should I find my heart's desire...