Rain's POV
"Alam kong magaling kang magluto Nikki pero please wag mong papakialaman ang kitchen ko"
Nagtatalo yung mag-bestfriend dun sa may kitchen. Lalabas dapat kaming tatlo ngayon pero biglang unulan kaya nagdecide kaming puntahan na lang si Belle.
Tinitignan ko yung mga pictures ni Belle sa apartment niya. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung saan ko ba siya nakita. Sobrang familiar kasi ng mukha niya.
"Rain wag mong titigan. Baka magselos ang girlfriend mo" sabi ni Belle habang naglalagay ng plates sa dining table.
"Excuse me, faithful yan" sabay apir namin ni Nicole.
"Stop being so damn cute guys. Kasi nakakainggit na"
"Single ka ba ngayon?" tanong ko kay Belle.
"Yes. But uunahan na kita. Hindi ako interesado kung may irereto ka man"
"But why? Ang tagal mo na rin single Belle" sabi ni Nicole.
"Ewan ko ba. Siguro hindi pa ako ready"
"Gaano ka na ba katagal na single?" tanong ko.
"4 years"
"Seriously?! At hindi ka pa ready sa lagay na yan?"
"Siya pa rin ba?" seryosong tanong ni Nicole.
Nagsmile lang si Belle.
"Let's eat. Kailangan mong matikman ang luto ko Rain. Baka makalimutan mo si Nicole"
Tumawa lang ako.
"Sinong Nicole?" sabi ko.
Tinignan niya ako ng masama.
Tumawa kaming pareho ni Belle.
"So pinagkakaisahan niyo na akong dalawa ngayon?"
Kami naman ngayon ni Belle ang nag-apir.
—————————————
Nicole's POV
Hindi ko mapigilan mapangiti habang tinitignan ko si Belle at Rain. Kung babalikan ko yung buhay ko before ko makilala si Rain. Hindi ko iisipin na makakasama ko pa ulit si Belle. Na magkakaayos pa ulit kami. But somehow ang laki ng naging parte ni Rain kung bakit kami andito ngayon. I can honestly say na sobrang kuntento ko ngayon sa buhay ko. Or sa buhay na tinatago ko sa family ko. And then I suddenly felt guilty. They have no idea na nakakasama ko na ulit si Belle. They have no idea who Rain is. Except for Max. Pero kahit siya hindi niya pa alam na kami na ni Rain.
"Niks?" sabay hawak ni Rain sa kamay ko.
Kanina pa pala niya ako tinatawag pero hindi ko siya naririnig dahil sobrang nagiisip ako ngayon.
"Huh?"
"Sabi ko we have to go. It's getting late" sabi ni Rain.
"Ok ka lang Nikki?"
Tumango lang ako kay Belle.
I hugged her and saka ako nag-thank you sa dinner.
"Ingat sa pagdidrive Rain"
————————————————-
"Babe gusto mo matulog sa akin?" tanong ni Rain pagkalabas namin ng elevator.
"Uhm. Is it ok kung sa apartment ko muna ako?"
Medyo nagtaka siya pero hindi na siya nagtanong. Alam kong kanina pa niya napapansin na medyo wala ako sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Sweet Disposition
RomantizmSequel to She's My Cold Coffee Are you willing to fight for the one you love? How long are you going to understand? Is love gonna be enough?