Chapter Four.
Samantha Angeles
"Aba't akalain mo nga naman. May itsura si Chinitong Bakla." Bulong ko at nag scroll down pa ako sa google ng mga pictures nila.
"21 years old na si Jungkook? 1997 sya. So korean age 'to?" Tanong ko sa sarili ko at hinanap pa ang ibang detalye tungkol sa kanila.
'Yang Jungkook lang naman ang balak kong gantihan e. Pero kailangan ko narin sigurong alamin pati ang mga kagrupo niya.
So Kim Namjoon ang name ng leader nila o Rap Monster. Wow, may dimple.
Sunod kong nalaman si Min Yoongi o Suga. May dugo pa ba ito? Sobrang puti naman. Hehe. Tapos maliit sya. Hindi naman sobrang liit. In fairness, cute sya.
Si Kim Seokjin, ang pinakamatanda sa kanila. Ang gwapo ah. Tapos wide-shoulder sya.
Si Jung Hoseok o Jhope, ay isang napaka cute na nilalang. Ang cute ng ngiti e. Tapos ang lapad din ng noo. Tinatakpan lang ng buhok nya, haha.
Park Jimin, singkit din syempre. Wait, ako lang ba ang nakakapansin? Parang nakaka hypnotize iyong mata nya?
Si Kim Taehyung o V. Ang cute nya! Pati labi e kapansin-pansin sa kanya. Bagsak ang buhok at mukhang babae! Pangalawa sa pinakabata..
At LAST, So Jeon Jungkook pala 'to? Hmm.. Gwapo naman. Kaso hindi ko sya gusto! Baklang chinito. Nakakainis hindi pa sya tapos sa akin!
At itong lokong ito, may pa bunny-bunny pang nalalaman! Mukhang Rabbit e. Argh! I gritted my teeth in anger. Bwisit 'to. Paano ba 'ko makakaganti sa isang 'to?
Inis na sinave ko ang picture niya sa iPhone ko at isinara ang laptop ko.
Kumukulo talaga ang dugo ko! Pasalamat sya at hindi ko sya naitulak.
May Concert sila dito? Ano kaya kung pumunta ako? Tapos doon ako sa pinaka unahan?
Tapos batuhin ko sya ng sili habang nakanta? Woah. Nakanta pala sya? Ewww.
O paano kaya kung..
Isang Idea ang pumasok sa isip ko.
Ano kaya kung akitin ko sya at pilitin ko ang sarili kong mapalapit sa kanila?
O pwede rin na....
Napatango-tango ako sa naisip ko. Tama. Isang napakagandang Idea. So kung gano'n, makakaganti ako sa kanya!
Hintayin nyo lang ako, Bangtan Boys.
~•|•~
Vote and Comment!
=)
BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
Random•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.