Chapter Six.
Someone's Point of View
Ang Wings University ay matagal ng ipinasadya para lamang sa BTS.
Ipinasadya nila ito dahil nagustuhan nila ang ganda ng pilipinas.
Limited lamang ang mga maaring makapasok sa mamahaling paaralan na ito.
Kaya nang malaman ito ni Samantha Angeles ay agad nya itong inalam at nag-enroll dahil may kakayahan naman syang makapag-aral dito.
Isang buwan na ang nakakalipas nang mapag-isip niyang mag-enroll dito.
At ngayong araw na ang pinakahihintay niya, may kaunting kaba syang nararamdaman.
Marahil ay maninibago siya?
O marahil sa plano niyang binabalak?
Ngunit hindi nya ininda ang kaba at kakaibang pakiramdam na nadarama.
Gusto nyang matuloy ang plano niya. Gusto nya talagang maghiganti.
Kasalukuyan syang bumibyahe ngayon. Si Manong Jaime ngayon ang nagmamaneho na kinuha nya kahapon lang.
Kasama pa nya sa sasakyan si Ate Chabeng niya.
"Mag-iingat ka doon, Samantha. Kapag ikaw ay may ginawang kalokohan, malilintikan ka talaga sa akin!" Bilin ni Chabeng.
"Parang may kalokohan naman akong gagawin, Ate Cha ah? Mag-aaral lang ako doon." Dipensa naman ni Samatha.
Napaismid naman si Chabeng sa naisip. "Mag-aaral pa naman dyan ang BTS." singit nito.
Napataas awtomatiko ang kaliwang kilay ni Samantha.
'Ayon na nga ang maganda. Doon sila mag-aaral, doon din ako mag-aaral. E'di mas napadali ang proseso ng plano ko.' Sa isip ni Samantha.
Nanahimik na silang dalawa buong byahe. May kalayuan din kasi ito.
Maya-maya ay naalimpungatan na si Samantha nang magsalita na si Chabeng.
"Andito na tayo, Samantha! Gumising ka na dyan." Pagkalog nito kay Samantha.
"Oh? Ang bilis naman.." Aniya Samantha at nag stretch-stretch na ito. Inayos nya muli ang sarili bago lumabas ng sasakyan.
Kumuha siya ng dorm malapit sa paaralan.
Sinimulan na nilang buhatin ang mga gamit nito papuntang dorm bago tumungo sa nasabing paaralan.
"Mami-miss kita Samantha. Palagi mo akong balitaan ha? Huwag gagawa ng ikakapahamak mo. Nandito lang ako palagi kung may problema man. I love you."
Awtomatikong napangiti si Samantha sa mga narinig. Parang isang tunay na ina na nya talaga si Ate Chabeng.
"I love you too, Ate Cha. Oo palagi akong magbabalita sayo sa mga magaganap. Dadalaw parin naman ako ano ka ba! Akala mo naman mag-iibang bansa ako." Napatawa si Samantha sa sariling sinabi.
Parehong nagtawanan ang dalawa at nang matapos ay tumuloy na si Samantha sa Wings University.
Dala-dala ang Gucci Bag, dahan-dahan itong naglakad patungo sa bulletin board upang malaman ang section nito.
A-019. At ito nga ang Room niya.
Tumungo na siya sa silid. Maraming nagkakagulong mga estudyante.
Dahil first day, may mga siga din pala syang kaklase. At hindi lang! May mga pabebe at pasexy pa syang kaklaseng babae.
Diyos ko po.
Napasapo siya sa noo niya nang maisip lahat ng ito.
'Akala ko ba exclusive and private school lang ito? E bakit ganito?' Aniya sa isip nya.
Dumiretso siya sa pinaka dulong upuan.
"Oops, Miss. That. Seat. Is. Not. Vacant. For. Your. Information." Maarteng sabi sa kanya ng mahaba at matangkad na babae.
Tinaasan lang ni Samantha ng kilay ang babae at humanap ulit ng bago.
Doon naman sa dulo parin pero sa may bintana.
Ngunit sa pangalawang pagkakataon, pinagbawalan ulit siyang umupo.
"Wala namang nakaupo ah? Bakit ba 'Is not Vacant' ha?! Kaimbyerna ha!" Galit na asik ni Samantha.
Umupo na lamang sya sa hindi dulong upuan. Pangalawa sa dulo.
Naiinis na umupo si Samantha. "Ano? This Seat is not Vacant For My Information parin ba?!" Asik niya.
"Hahaha. Hind na po Miss."
At salamat sa pinaka salamat. Nakaupo narin siya.
Kamalasan na naman!
Nanahimik nalamang si Samantha habang patingin-tingin lang sa paligid nang may isang grupo ang pumasok...
"Good Morning, Bangtan Boys!" Isang malakas na bati ng kanyang mga kamag-aral.
Bangtan Boys.
~•|•~
Vote and Comment!
=)
BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
Random•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.