Chapter 40
Hope’s POV
“Long time no see.” Biglang sinabi ni Enzo kay Eula. Teka, magkakilala sila?
“How have you been?” Tanong ni Eula. Kinulbit ko naman agad si Chelsea.
“Chelsea, magkakilala sila?” bulong ko kay Chelsea. Umiling lang sa akin si Chelsea. Hindi din niya alam.
Pagkaupo ni Eula, lahat kami nagsimula ng kumain. Napansin kong awkward talaga yung tatlo kaya kinulbit ko si Enzo.
“Enzo, may problema ba? Bakit ang tahimik niyong tatlo?” Napatitig na lang sa akin si Enzo tapos ngumiti pero yung pilit.
“Umm, nagulat lang. Because of Eula.” Bulong niya. Bakit siya bumubulong?
“Kilala mo ang pinsan ni Chelsea?”
“She was my childhood bestfriend.” Woah. Okay! Kaya naman pala awkward.
“Oh? Talaga? Oh eh anong nangyari?”
“She migrated to the States. Natapos ang friendship namin doon.” Maikli niyang sinabi, cold pa.
“Bakit parang galit ka? Okay ka lang ba?”
“We’re not in good terms. Me and Eula, I mean.” Sagot niya. Not in good terms?
“Bakit?”
“She left me. Need I say more?”
Sabagay kapag iniwan ako ni Miks o Chelsea magagalit talaga ako. Ngumiti na lang ako at hinawakan ang kamay niya. Nginitian naman niya ako pabalik. Shocks, ganito pala yung feeling ng “mutual understanding”. Kung alam ko lang ‘to dati matagal na akong lumandi. Pero, asa pa ako. Wala naman akong lalandiin, di ako maganda.
Buong lunch hindi nagsasalita si Bryle at Venice. Si Enzo naman ako lang ang kinakausap. Ay naku, ang ayoko pa naman sa lahat eh awkward ang mga friends ko. Kailangan kong ayusin ‘to.
Kaya noong matapos ang class noong araw na yun kinausap ko si Chelsea at sinabi ko yung kwento ni Enzo tungkol kay Eula, pumayag naman siya sa plano ko na hayaang magusap yung dalawa para may closure. Hindi ba? Alam kong may dahilan si Eula kaya siya umalis dati at unfair naman kay Enzo kung hindi niya malalaman yun, unfair din kay Eula kung magagalit sa kanya si Enzo kaya mas mabuting magusap sila.
Oh my god, ang bait ko talaga. Go, Hope!
Noong sumunod na araw sinundo ako ni Enzo sa classroom, pero sinabi niya na gusto niyang kaming dalawa lang ang maglunch. Naudlot tuloy yung plano namin ni Chelsea na pagusapin si Enzo at Eula. Sige, sosolohin ko muna ang manliligaw ko.
“Hope.” Tawag niya sa akin. Nakaupo siya sa harap ko, nandito kami sa ilalim ng centennial tree habang kinakain yung tinake out namin sa canteen.
“Oh?” sabi ko habang subo subo ko yung legs ng chicken. Ang sarap. Bigla siyang tumawa. “Bakit?”
“You’re like a baby.” Tapos bigla siyang kumuha ng tissue at pinunasan ang gilid ng bibig ko. Bwiset na chicken ‘to! Masarap pero makalat! Kakahiya.
“You’re my baby.”
Oh my god! Yan na naman yang ‘Baby’ na yan! Shocks, ganito ba talaga? Ganito ba talaga ang pakiramdam ng nililigawan? Ganito ba talaga ang pakiramdam na kasama mo yung taong gustong gusto mo? Oh sa akin lang ‘to? Kasi si Enzo Gutierrez ‘to? Ang Robin Scherbatsky ng buhay ko. Ang Hua Ze Lei ko. Ang Rui Hanazawa ko. Yung lalaking mula namulat ako sa salitang ‘pagmamahal’ eh siya ng inaasam asam ko?
BINABASA MO ANG
100 Steps To His Heart [Published Book]
Roman d'amourNow a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng may gusto kay Enzo, part ng TRES GWAPITOS na kinabibilangan nina Enzo, Mico at Bryle. Isang araw, nakuha niya ang planner ni Enzo kung saan n...