Devil's Fall in LOVE

392 5 0
                                    

(A/N: Sa palagay ko ay gusto kong gumawa ng istorya na parang sa wattpad o e-book na maibabahagi ko sa inyo! Pinag isipan ko itong mabuti at taaadaaaa!!!! eto nah! )

FEATURING:

ZERO Dane Sakaguchi

Four ALLEN Matthews

Six SPENCER Sherman

Seven LUCIS Takeuchi

Nine LEE Sang

Twelve VINCENT Dela Cruz

Thirteen SAI Khalil

NYMPH Lyla Faros

DEV Lance JUNG

 Mystika Yumi Takeuchi

Dahlia Gail Aurora

PROLOGUE

Paano kung isang araw bigla kang nainvolve sa grupo ng gangsters? nagulo ang buhay mo, may gustong kumidnap sayo at gustong gawan ng masama! Tapos ay wala ka pang kalaban-laban dahil minamaliit ka sa rason na ika'y isang Igorota. OO, taga Cordillera! Anong gagawin mo? Lalayo na parang hindi nag eexist o ipaglalaban ang karapatan sa isang bagay? Ngunit paano rin kung may matutuklasan kang nakakasakit na katotohanan sa taong pinagkakatiwalaan at minamahal mo? Eto po ang istorya ng isang Igorota na nagmamahal ng isang Darklord!

-01-

CHAPTER 1

"Oi, Nymph!!! Gising na!!!"

Umungol lang siya saka hinila ang kumot at muling ibinalot sa katawan.

"Aba't ang babaing ito, OO! UYYY!!!!"

"AHH!!!" sigaw niya ng malaglag sa kama.Nawala lahat ng antok niya at nanlalaki ang matang tiningala ang ate na noon ay nakasimangot na.

"Ate naman.Ba't mo ko tinulak? Ang ganda pa naman ng panaginip ko. Isa pa ay maaga pa lang naman."

"Maaga na pala sayo ang 7 am?"

O____O!!!! "7 am?!" ulit niya. Napanganga siya." oh shit! Malelate na ako sa interview ko! Ba't di mo ako ginising ng mas maaga pa?" maktol niya at nagmamadaling tinugo ang cabinet.Kumuha siya ng mapagbibihisan saka tinakbo ang banyong nasa kusina.

"Kasalanan ko pa ngayon? Eh ikaw tong tulog mantika! Kaya lalo kang chuma-chubby!"

"Shaddap, 'te."

Naligo siya at nagbihis na.Hindi na siya kumain ng agahan dahil lalo siyang malelate.Umalis na siya sa boarding house nila matapos magpaalam dito at tinungo ang kompanyang pinag aaplayan.Pagdating doon ay eksaktong siya na ang susunod na interviewee. Tinawag siya nung secretary at pinapunta sa manager's office. Pagdating doon ay tumambad sa kanya ang isang babaing nakasalamin tapos nakadamit ng disenteng business suit. Istrikta ang dating nito,parang terror professor lang. Hehe.

"sit down,miss Faros."

Naupo siya at pinayapa ang sarili na noon ay kinakabahan.

"So, taga Mountain Province ka pala? Isang Igorota?"

"yes,maam."

Umismid ito kaya nagpanting tenga niya.Abat di man lang tinago noh! Kainis!

"Fresh graduate ka ng BSBA Major in financial management in MPSPC at the age of 19? Is that a University? I've never heard about it."

Devil's Fall in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon