Weirdo naman ng pakiramdam ko. Napatawad ko na? Haist. Pero di naman masama magpatawad e. Kaya oks lang. :)
"Umm. Sige. Kalimutan mo na yun." Sabi ko na lang.
"Kaya ka pala nagustuhan ni Joseph. . ."
"Ha?" Sorry. Di ko naintindihan masyado. Ang hina kasi ng boses niya parang nanlulumo.
"Ang bait mo kasi."
"Ahehe. Hindi naman."
"Sa tingin ko wala akong pag asa sayo."
O.O
"Gusto mo ba ko?" E? HALA. ANYARE SA BIBIG KO? Bakit ko natanong yun! >__________< Kapal ng pes ko.
"Hindi."
Hay jusko. Di naman pala e!
"Kasi mahal na kita."
"Miguel. Pwede bang magtanong?"
"Ano yun?"
"Bakit mo ko mahal?"
--
MIGUEL'S POV
"Bakit mo ko mahal?"
"HINDI KO DIN ALAM. Chi tandaan mo 'to. You can't explain love.
Hindi ko alam kung bakit mabigat ang dugo ko kay Joseph. . .
Lagi na lang kasi siya ang magaling noon. Lagi na lang sila ni Carl ang goodboy. Ako parati ang badboy.
Tatlo kaming magkakaibigan pero parang sila lang lang ang nag eexist sa mata ng iba."
"Naiintindihan naman kita. Pero hindi tama yan. Baka nagawa mo lang mahalin ako dahil gusto mong makaganti kay Joseph. I do not deserve your love, Miguel. Makakakita ka rin ng para sayo. :)"
Tapos umalis na siya.
"Naiintindihan naman kita. Pero hindi tama yan. Baka nagawa mo lang mahalin ako dahil gusto mong makaganti kay Joseph. I do not deserve your love, Miguel. Makakakita ka rin ng para sayo. :)" Sa palagay ko tama ka nga, Chi.
--
CHI'S POV
Umalis na ako sa restaurant. Sana nakatulong naman ako kay Miguel. Hindi ko naman siya as in nireject e. Tinutulungan ko lang naman siyang mahanap ang babaeng para sa kanya dahil alam kong hindi ako yun. Naglalakad na ako dito sa labas. Muni muni.
*too toot too toot*
From: Joseph <3
Kyaaaaaaaah! Nagtext ang aking loveydovey! :D
MSG: Chi, san ka?
To: Joseph <3
Nasa sidewalk. Naglalakad pauwi. May kinita lang akong friend.
Hindi ko na sinabi na si Miguel baka mahighblood pa siya. Hehe. Wala namang masama kung di ko sabihin.
From: Joseph <3
Maraming sidewalk sa mundo. =.=
Hahahah! Oo nga naman. Tanga mo Chi e. Nagsusungit na naman tuloy.
To: Joseph <3
Osige. Dito malapit sa Peachy's restaurant.
BINABASA MO ANG
Willing to Wait
Teen FictionTungkol sa babaeng matagal ng naghihintay sa boyfriend niyang bigla biglang nagdisappear ng hindi niya man lang alam ang tunay na dahilan. Eh ang kaso, hanggang saan ang kaya niya para maghintay? Is she willing to wait for her love?