The Last Time (Short Story)

691 13 3
                                    

Day 1

"Andito na tayo."sabi ni Mama.

Tumingin ako sa paligid. HUH! Pinaka ayaw kong nagsa-summer dito sa probinsya. Baket? Walang internet, walang cable, wala yung mga katropa ko, wala akong magagawa dito, in short - BORING.

"Bat hindi na lang po kasi tayo sa Boracay?"sabi ko habang hinihila ang maleta ko sa loob ng 80s na bahay ng lola at lolo ko.

"Mag e-enjoy ka dito, tsaka anim na araw lang naman tayo dito eh."sabi naman sa akin ni Papa. Psh, halos isang linggo na rin yun eh!

Bago ko pa makalimutan, ako nga pala si Kian. Hindi ko na sasabihin ang buo kong pangalan, baka i-search niyo pa sa FB at macrush-an niyo pa ako xD Joke. Pilyo DAW ako, Makulit DAW ako, kwela DAW ako, nakakatawa DAW ako, lahat yan may DAW kasi hindi ako sigurado. Ang sigurado lang ako, gwapo ako *wink*.

"Kian! Basketball tayo?"sigaw sa akin ng Kuya ko mula sa labas.

Lumabas na ako, since boring sa loob ng bahay.

Nagsimula na kaming maglaro, shoot doon, shoot dito, agaw dito, agaw diyan, dribble dito, dribble kahit saan, hanggang sa mapagod kaming dalawa. Pero syempre kahit pagod at pawisan na ako, gwapo pa din. ;)) HAHA XD

Tumingin ako sa cellphone ko para tignan kung anong oras na. ANO?! Bat parang di man lang gumalaw yung oras?! Kainis!

Pinatay ko yung phone ko at nagsalamin. Pero may nakita akong reflection ng babae, nakasalamin at long dress na blue and white. SHET. Kahit medyo mukha siyang nerd, maganda siya. Maamo ang mukha niya, parang anghel.

Lumingon ako at nakita siyang papunta sa direksyon namin ni Kuya. Nag ayos ako ng sarili.

Nagsign ako ng hi sa kanya pero di niya ako pinansin. Nafreeze ako. Pano ba naman kasi, ngayon lang hindi pinansin ng isang babae ang kagwapuhan ko. Aba sino ba siya? Anak ba siya ng Presidente para snob-in ako?!

"HAHAHA! Di ata tumalab pogi points mo?"tanong sa akin ni kuya habang sapu-sapo niya ang tiyan niya sa kakatawa. Tss' Eh siya nga laging busted eh ako hindi. Psh.

"Bahala ka nga diyan, manuno ka sana. Tsk."sabi ko sa kanya sabay ng pagbato ko sa kanya ng bola. Tss'

Agad naman tumayo si Kuya at inunahan pa akong pumasok sa bahay. "Mahuli panget!" sabi niya. Di ko na kailangan yan, gwapo na ako. ;)) Di ba? *wink*

Kung sino man yang babaeng nag snob sa akin. Humanda ka, mahaba pa ang bakasyon. *evil laugh* Nilabas ko ang cellphone ko para magsalamin. Inayos ko ang buhok.

"Hoy cellphone, may nakita akong nerdie girl pero cute. Kaso ini-snob ako."sabi ko sa phone ko bago ito ibulsa.

><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><

Day 2

"Kian, bili ka nga ng yelo sa labas at kakain na tayo."sabi ni Mama.

Hay, di talaga nawawala sa bakasyon ang unlimited utos -____- Natalo pa tuloy ako sa subway surf XD

Lumabas na ako sa bahay at naghanap ng malapit na tindahan. Ayokong maarawan kasi ako si Edward ng Twilight, pero mas hot ako sa kanya. Angal ka? Pektos gusto mo?! Joke! Friends tayo :))

Lakad

Lakad

Lakad

Shet. Nakalayo na ako, wala pa ding tindahan! Haunted village ba to at wala masyadong tao?!

The Last Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon