Bitter according kay ate Merriam Webster: causing painful emotions: felt or experienced in a strong and unpleasant way: angry and unhappy because of unfair treatment. Ang lalim ng ibig sabihin nuh, ikaw bitter ka rin ba?.
Nung bata ako ang tinuro sakin ng nanay ko na Bitter e ampalaya lang, hindi ko naman alam na pati ang ugali pwedeng ring maging Bitter. Lalo na pag iniwan ka tapos minahal mo naman at binigay mo pa ang lahat at hindi ka naman siguro nagkulang diba? pero sa kabila ng lahat nagawa ka paring ipagpalit at iwan. Ang masaklap pa dun after 2 weeks nakamove on na sya at after a week may bago na, masakit ba bess?. Tapos dyan kana magiging bitter na sinasabi mo na you wish them well pero bakit halos mag 360 degrees yung eye balls mo after saying those statements.
I know, masakit talaga, been there than that, Ilang beses na rin akong naloko, natwo time at pinagpalit, naging theme song ko rin nun ang "Someday", "One last cry ", "I love you goodbye" at "Let me be the one" natanong ko narin ang sarili ko nun, pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? Hindi ba ako masarap? at alam mo ang sagot ng kaibigan ko "Girl malalate na tayo sa work" diba napakalaking tulong nya.
Wala namang masama sa pagiging bitter, pero sana huwag mong idamay ang ibang tao sa kabiteran mo. Pag may nakikita kang magjowa isa ka rin ba sa mga nagsasabing "maghihiwalay din kayo" o "hindi rin kayo magtatagal" at halos isumpa mo na sila dahil ang sweet sweet nila sa isat isa, huwag ganun, baka mapa away tayo nyan. Hindi naman nila kasalanan kung hindi nagwork ang previous relationship mo e. Just wait for the right person, I believe din kasi na everyone of us has a destined partner na makakasama natin habang buhay at sabi nga ng isang kanta " There's a light out there for me" hindi ung poste ng ilaw ha, meaning don't give up on finding the right person for you. Malay mo hindi nagwork yung previous relationship mo kasi hindi sya ang taong para sayo.
YOU ARE READING
#huwag kang bitter
RomanceRomantic comedy love story. sometimes we are being trapped in the past and we tend to forget that there's a lot of people around us who can give us happiness