ΩSTORYΩ

164 7 17
                                    

“Ay palakang patay!” napausod ako ng konti kasi naman nakakagulat si manang basta basta nalang nasulpot sa gilid ko

“Asaaaan? Asaaaan?” ay grabe oa lang? Napatawa nalang ako sa expression ni manang.

“Ay nako Baekhyun hijo kahit kailan ikaw talaga napaka-pala biro mo” sabi sakin ni Manang, napakamot naman ako sa batok ko, madaming libag eh di ko nahilod kanina XD

Si manang siya yung nagpalaki sakin. Oo siya, wala kasing pakialam sakin si Mommy at Daddy laging trabaho ang inaatupag nila kaya kung papipiliin ako kung sino sakanilang tatlo si Manang ang pipiliin ko. Bakit ano bang nagawa nila sakin? Nabuhay ako ng dahil sakanila, nabuhay para mahalin at alagaan nila pero ano nangyari? Mas inuna nila ang trabaho nila kesa sa sarili nilang anak. Ni hindi nga yata ako nabuhat ni mommy nung ipinanganak niya ako. Minsan nga naisip ko ayaw ba nila sakin? Wala a akong kwentang anak? Lahat naman ginagawa ko para lang maging proud sila sakin. Lahat sinusubukan ko dahil alam kong one day maipagmamalaki nila ako. Pero hindi pala, kasi mas gusto parin nila yung trabaho nila. Naalala ko nga nung 6 years old ako ako yung naging 1st honor ng klase namin, excited akong umuwi nun para masabi ko lang sakanila na 1st honor ako. Pagkauwi ko sakto naman at andun sila sa office sa bahay namin. Hindi na ako kumatok dumaretso pasok lang ako

“Marunong ka bang kumatok?” inis na sabi sakin ni Mommy, halatang pagod pa siya nun at parang stress na stress

“Time out muna kayo mom and dad sa work, may sasabihin po ako” masayang sabi ko, inignore ko nalang yung sinabi ni mom kanina

“Oh ano? Paki bilisan lang dahil may ginagawa pa kami ng dad mo. Baka naman mas importante pa itong work namin kesa dyan sa walang kwenta mong sasabihin?” sabi ni Mom, inaamin ko sobrang nasaktan ako nung sinabi sakin ni Mommy yun. Pilit kong pinigil ang luha ko at masayang ngumiti sakanila.

“First Honor po ako!” masaya kong sambit. Pero blanko lang mga mukha nila, kaya't agad nawala yung mga ngiti ko

“Hindi po ba kayo masaya?” malungkot kong tanong

“Sinayang mo lang ang oras namin para sabihin samin yan?” inis na sabi ni Mommy

“Glizzel naman, good job anak kaso may work pa kami ni Mommy mo eh kaya mamaya nalang kakain tayo sa labas promise” sabi ni Dad, malungkot lang akong tumango at lumabas na ng office nila.

“Baekhyun anaaaak!” narinig kong sigaw ni manang, napatingin ako sa gilid ko at nakitang natakbo siya papalapit sakin at nung nakalapit siya sakin agad niya akong niyakap

“Kamusta? Pang ilan ka?” excited na sabi ni manang

“first honor po” sagot ko

Take A Chance On Me (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon