One for the Money

481 4 0
                                    

Minsan, di ko maiwasang imaginin na ang nakakabwisit kong asawa itong sinisibak ko ngayon, imbes na kahoy.

Kaaga-aga, isinusumbat na naman niya ang kawalan ko ng trabaho. Akala ko ba kagabi eh ayos na kami? Akala ko ba tapos na ang issue? Nasabi ko na nga na next week eh maghahanap na uli ako ng raket diyan sa kung saan, tapos ayan na naman siya, bunganga na naman ang handa sa umaga.

Palibhasa siya 'tong matalino, kaya kung ganyan-ganyanin niya lang ako parang wala lang. Ako? Ang maipagmamalaki ko lang ay katawan. Tangina, hanggang pagsisibak at gawaing bahay lang ba silbi ko?

Pwersahan kong pinalakol ang kahoy sa aking harapan. Bumitiw ako sa paghawak at umatras at nagpunas ng pawis sa mukha. Napatanaw ako sa malayo.

Hindi ko maiwasang kabahan sa mga susunod na ganap. Oo, kailangan na kailangan namin ng pera para sa pampagamot ng anak namin sa ospital. Ang weekly checkups pa lang umaabot na ng libo, e sakto pang nawalan ako ng trabaho kailan lang. Nalugi kasi ang kumpanya at siyempre, damay kaming mga trabahador doon. Alam kong isa lang ang solusyon, mag-apply lang uli sa iba. E kaso, hindi iyon ganoon kadali sa isang gaya ko. Di ko alam kung hiya, o phobia bang matatawag yung takot ko sa mga interview. Kailangan ko ng matagal na panahon para makapag-handa.

Isang malakas na pagharurot ng motor sa kalsada ang nakapagbalik sa'kin sa realidad. Umiling-iling na lang ako upang ilayo ang mga bumabagabag sa isip ko. Nakaramdam din ako ng pagka-ihi kaya nama'y nagtungo ako sa may pader ng bahay. Hinila ko paibaba ang pajama at pumikit, habang nirerelieve ko ang sarili.

Nang biglang isang boses ng lalaki ang bumasag ng katahimikan. "Oh my God," sabi nito na gulat na gulat. Pagdilat ko ng mata'y 'di ko agad naiwasang mapamura. Ang daloy ng ihi ko rin ay parang nahiya at umurong. Tumalikod ako upang tapusin ang naudlot kong ihi.

"I'm sorry, I'm sorry... hindi ko sinasadya. Hindi ko po alam na--"

"Sa susunod Kyle, magparamdam ka muna bago pumasok ha?" himutok ko habang nagpapagpag ng ari ko. Nang matapos ako, humarap na ako sa kanya at kita ko ang panic sa kanyang mukha, pati na rin ang pamumula nito. "Anong nangyari sa'yo?"

Saka ko lang naalala na bakla nga pala 'tong kausap ko.

Sa detalyeng iyon, di ko alam kung bakit pero ramdam ko ang pagpulso ng titi ko.

Ang dapat nga eh maasar ako nakitaan ako ng isang bakla, but what I'm feeling now is different. Pride.

"--hah? Ah, eh, wala po." Matagal na pagsagot niya sa tanong ko. Ramdam kong pilit niya akong tinititigan sa mata, kahit pa hindi niya maiwasang mapasilip sa bukol ng sweatpants ko. Sa pasimple niyang kilos, hindi ko mapigilang mapikon. Nakakabastos, nakakamanyak. Pero hindi ko rin siya pwedeng pagsungitan. Kailangan ko ang tulong niya at kaya siya narito ngayo'y para iabot iyon.

"Nag-almusal ka na ba?" pang-iiba ko na lang. Naglakad na lang ako patungo sa likod-bahay, sa may kusina, at hinayaan si Kyle na sumunod sa akin.

"Uhm, yah. Kanina sa bahay."

Nagtungo ako sa may kalan at pinainit muli ang takore. "Kape, gusto mo ng kape?" alok ko.

"Sige," matipid niyang sagot. Saka kumuha ng upuan sa may mesa.

Kumuha ako ng dalawang tasa at nagbisi-busyhan sa pagtantya ng panlasa niya. Maya't maya ay sisilipin ko siya at mapapansing tulala at nakayuko. Sigurado akong iniisip pa rin niya ang nakita niya kanina. Why not? Eh nasa buong katigasan ang titi ko kanina, sanhi ng matinding lamig ng panahon. Minamanyak na ata ako nitong baklang 'to sa isip.

Isa lang naman ang dahilan kung bakit nandito si Kyle ngayon. Siya ang hilig kong utangan. Siya lang naman kasi ang mapera rito sa lugar at handang magpautang sa kung sinong gwapong makilala niya. Hindi naman magkalayo ang edad namin. Bente-otso anyos na siya, dalawang taon lang ang tanda sa akin, pero kung makaasta parang kuya na kuya niya ako.

Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon