Chapter 8:Bracelet

1 0 0
                                    


Christine Pov's

Tsk!nakakainis.Naiinis ako sa sinabi ni Zack.Nakakaatract daw yung ganda ko.Tss.

Baka dun yun magsimula.Di ako nagaassume pero kadalasan dun iyon nagsisimula.

Pag nagkataon mahihirapan talaga ako pati siya.

Kaya hanggang maaga pa dapat iwasan na.

Stupid!bat ko ba siya winalk-outan kanina?Tsh!

Papasok na kami ng gamezone at as usual nangunguna sina Ella at Mika.

Napansin kong tahimik yung mga kasama naming lalaki.Kaya naman binagalan ko ang aking paglalakad upang masabayan sila.

"Guys,bat ang tahimik niyo ata?"tanong ko sa kanila.

"Wala lang"walang ganang sagot sakin ni Jairo.

"Okay.By the way sorry kung naiwan kita kanina Zack ah.May tinanong lang kasi ako kila Julia."baling ko kay Zack.

Totoo naman eh,may tinatanong din talaga ako kila Julia.

"Hindi okay lang.Ano bang tinanong mo sa kanila?"tanong niya naman sakin.

Kaipangan ko pa bang sabihin sa kanya.Aish!

Yung mga kasama niya nagsipasukan na din sa gamezone kase niyaya na sila nila Ella.

"Hindi kasi ano.Yung bracelet ko kasi nawawala.Eh nagpapatulong kasi akong hanapin sa kanila eh,kaya tinatanong ko sila kung nakita naba nila."sagot ko sa kanya.

"Bracelet?"tanong niya.

Nangunot ang noo ko dahil parang nagulat siya sa sinabi.Problema nento-_-

"Oo baket?"takang tanong ko.

"Kasi may napulot akong bracelet nung araw na nagkita tayo"sagot niya.

Tsaka siya parang may hinuhugot sa kanyang bulsa.

"Eto bayun?"tanong niya.Tsaka niya ibinuka ang kanyang kamay upang ipakita ang bracelet.

Agad na nagliwanag ang aking mukha ng makita ang aking pinakamamahal na bracelet.

"Hala oo eto nga yun,Thank God ikaw yung nakapulot nento"tuwang-tuwang tugon ko.

Di ko namalayan ang sarili kong napayakap na pala sa kanya.

Agad akong umalis sa pagkakayakap sa kanya.

Nahihiya ang napatingin sa kanyang mukha na noon ay natawa.

Ang gwapo niyang tumawa♡_♡

"Hahahaha buti talaga ako nakakita.Ganun ka pala kapag sobra kang masaya ah."nakangising sagot niya.

Damn it!nakakahiya.

"Hehehe sorry nabigla lang.Sobrang importante kasi talaga nento sa akin eh.Thank you ulet ha?"pasalamat ko sa kanya.

"Wag ka ng magthank you.Hahahaha tara pasok na tayo sa loob baka hinihintay na nila tayo"anyaya niya tsaka siya umakbay sakin.

Nabigla ako sa ginawa niya,pero yung akbay niya eh yung normal na akbay lang yung parang sa magtotropa lang.

"Hands off!"utos ko sa kanya.

"Ayy sorry hahaha nasanay kasi ako.."natatawang tinanggal niya ang kanyang kamay sa pagkaka-akbay sa akin.

Zack Pov's

♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡

Grabe ang sarap sa feeling nung ginawa ni Christine.Alam kong nagawa niya lang dun dahi lsa kasiyahan.Pero naenjoy ko iyon dahil medyo mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Tsk tsk!nakakabading mang pakinggan pero totooong nakakakilig.Hahahaha

Si Christine ang kasama ko.Yung iba kasi parang nagpartner-partner na kaya niyaya ko na din si Christine.

"Zack,dun tayo.."sabay hila niya sa kamay ko.

Nakarating kami sa isang machine na may mga stuff stoys sa loob.Eto yung maghuhulog ka ng coin tas papagalawin mo yung machine tas parang may kamay dun sa loob tas baba yun para kunin yung stuff stoys.Pero madaya talaga 'tong machine na ito eh.

Nakaka 5 token na ata itong si Christine dito wala pa rin siyang nakukuha.Tsk.

"Ahmm Christine,ano bang gusto mo dyan?"tanong ko sa kanya.

"Ayun oh..yung kulay pink na teddybear."sabay turo niya sa pink na teddybear.

"Okay,tabi ka muna.Kukunin ko na"pagyayabang ko sa kanya.

Pinatabi ko muna siya.

"Baka makuha mo,ang hirap kaya"singit niya pa.

"Ssshhh,just watch and learn cutie"sabay kindat ko ;).

Nakita ko naman nagblush siya sabay yuko.Hahahaha ang cute.

"Aish!bilisan mo nalang"pag-iiba niya sa usapan sigurado akong naiilang lang siya.

"Okay."sabay talikod ko sa kanya at siyang pagharap ko sa machine.

Naghulog na ako ng token.At pinagalaw ko na yung parang hand sa loob nito at tsaka itinapat dun sa teddy bear na pink.Inayos ko ang pagkakatapat dito.

At sigurado na akong makukuha iyon dahil tapat na tapat na ito.

Pinindot ko na yung button na siyang hudyat upang bumaba na yung parang kamay.Saktong nahawakan nito ang ulo nung teddybear kaya naman nabuhat nito ang teddy bear at nadala dun sa lugar na paghuhulugan.

At ayun,nahulog na yung teddybear.

Well,thank you thank you.Alam kong magaling ako dyan.Thank you thank you.Hahaha.

"Yiieee,ang galing mo naman!bat ako di ko nagawa iyon?"pagmamaktol ni Christine.

"Basic!oh ayan na"sabay abot ko sa kanya nung teddybear.

Nung akmang aabutin niya na ito bigla ko itong hinila pabalik.Kaya naman nagtaka siya.

"Bakit mo binawi,nagustuhan mo ba yung teddybear kaya naisip mong sayo nalang?"takang tanong niya.

Psh!pinagmukha pa akong bading tss.

"Hindi no"tanggi ko.

"Eh bakit mo binawi?akin na kasi"akmang kukunin niya na ulit ang teddy bear pero nilagay ko ito sa bandang likod ko.

"Kiss muna"sabi ko sabay nguso.

Hahahaha aasarin ko lang naman ito eh.

"Ayoko nga,akin na kasi"tanggi niya sabay abot nung teddybear at ayun nag-agawan kami.

Pero dahil mukhang nababadtrip na siya nagpatalo nalang ako at ibinigay sa kanya yung teddybear.

"Ang sweet nilang bessy no?"dinig kong bulong nung isang babae sa mga kasama niya.

"Oo nga ang ganda nung babae tas ang gwapo nung guy"sagot naman nung kasama niya.

"Bagay na bagay sila girls"sagot naman nung isa.

Napangiti naman ako sa mga sinabi nila.
Napansin kong nakatingin din sa kanila si Christine.At parang nahihiya siya.

Kaya naman inakbayan ko siya at inilakad papalayo sa mga yun.

"Bagay na bagay daw tayo Christine"pang-aasar ko sa kanya sabay ngisi.

"Tss.Inuuto ka lang nung mga yun.Dinig mo naman yung sinabi nila eh.Nagpaparinig lang yun kasi kung nagbubulungan sila bakit hinahayaan nilang marinig natin?napakastupid naman nila"mahabang sabi niya.

Napangiti naman ako kasi di niya inaalis yung braso ko sa pagkakaakbay sa kanya.

"Atlis magaganda naman yung mga nilalabas ng bibig nila"sagot ko.

"Bahala sila sa buhay nila"sabi niya sabay nagpauna sa paglalakad kaya ayun natanggal yung pagkakaakbay ko sa kanya.

Sumunod nalang ako sa kanya.Hinanap na namin yung mga kasama namin dahil sabi ni Christine mamimili pa daw sila ng mga damit.

The Secret Gang of LadiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon