Chapter 9:Happy Together

1 0 0
                                    

Zaira Pov's

Grabe ang saya kasama ni Angelo.Palatawa siya at lalo niya iyong ikinakagwapo.

Madalas tuloy akong napapatitig sa kanya.

Ang nakakahiya pa dun eh kase minsan nahuhuli niya ako.Hehehehe

Magkakasama kaming lahat ngayon.Nandito parin kami sa gamezone.

"Guys tara kain muna tayo,nagugutom na ako"pagyayaya ni Christine

Tss. Laging gutom eh.

"Oo nga kami ren"sang-ayon nila Ella.

"Sige,gutom na din kami eh"pagsang-ayon ng mga lalaking kasama namin.

"Tara na."anyaya ko.

Habang naghahanao ng makakainan tawa kami ng tawa.Pinagtitinginan na nga kami eh.Ang ingay kase namen.

"Oh guys,dun nalang tayo oh"sabi ni Christine sabay turo sa isang di pamilyar na restaurant sakin.

Mukhang bago ang isang ito.Gusto ko matikman kung masarap ba dito.

"Sige sige"sagot ng iba kasama na ako.

Pumasok na kami dun sa nasabing restaurant.

Karamihan sa menu ng restaurant ay mga pasta.

Kaya siguro dito nagyaya si Christine dahil alam niyang maraming pasta dito.

Kung di niyo po naitatanong eh mahilig itong si Christine sa mga pasta.

"Ladies hanap na kayo ng mauupuan naten kami ng oorder."Angelo suggested.

"Okay sige.Bilisan niyo ah"sagot ni Ella.

Nginitian lang siya ni Angelo at tumango.

Tss.Angelo di mo dapat nginingitian yang si Ella ako lang dapat. Tss-_-

Naghanap na kami ng mauupuan namin pinagdikit namin yung apat na table para sama-sama na kami sa isang line.

Maya-maya lang dumating nadin yung order namin.

Ang sitting arrangement namen ay sa buong line ko ay puro babae kami tas sa kaharap namin ay lahat ng boys.Tapat-tapat kami para kaming magpapartners,hehehe katapat ko si Angelo.

Naiilang tuloy akong kumain.Nakatingin kasi siya sa akin eh>_<

Zack Pov's

Masaya naming natapos ang kainan.
Nag-ikot pa muna kami saglit sa mall bago napagdesisyunang umuwi na.

Naglalakad na kami ngayon palabas ng mall.

"Ay teka guys,may bibilhin pa pala ako.Hintayin niyo nalang ako dun sa labas.Saglit lang ako"paalam ni Christine.

"Samahan na kita"alok ko.

Nginitian niya lang ako at tinanguan.

Naglakad na palayo ang mga kasama namin at ganun din naman kami.

"Ah Zack...san pala kayo nakatira?"biglang tanong ni Christine.

Nilingon ko pa muna siya bago magsalita.

"Ahmm..Dyan lang sa Cesca Subdivision"nakangiting sagot ko.

"Ahh..malapit lang pala."tatango tangong sagot niya.

"Eh ikaw,san ka nakatira,siguro dun ka nakatira sa Bermuda Subdivision ano?kasi dun kita unang nakitang naglalakad,yung niligtas mo yung aso?"I asked.

"Ahh yup.Dun ako nakatira."sagot niya.

"Sabi na nga ba eh.Hahahaha"natatawang sagot ko.

Expected ko na yun ang isasagot niya pero sinigurado ko lang.

The Secret Gang of LadiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon