KABATANA 7

1.2K 40 1
                                    

Shannen's POV

"Nawa'y magustuhan mo ang mga regalo namin sayo, Hidalgo." sabi ko sakaniya.

"Naku, ate. Nag-abala pa kayo, ngunit maraming salamat. Papahalagahan ko ang mga ito." nakingiti niyang sabi kaya naman napangit nalang din ako.

"Uupo na muna kami sa likod. Tawagin mo nalang kami o si Iñigo kapag may kailangan ka." sabi ko pa. Pababa na kami ng stage nang biglang hawakan ni Margo yung saya ko.

"Asan si Pheobe?" tanong niya. Duon ko lang narealize na dalawa nalang pala kami kaya tumingin tingin ako sa paligid pero wala akong makitang bakas niya.

Aba, asan ang bruhang yon?

"Baka naiihi?" sagot ko.

"O baka naman naghahanap ng chico (lalaki)." natatawang sabi nito. Tiningnan ko naman siya ng seryoso kaya napatigil siya.

"....sorry....." maikli niyang sabi. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Didiretso na sana ako sa bakanteng table pero nakita ko yung mesa na punong puno ng iba't-ibang pagkain kaya lumapit ako.

I'm starving.

"Yaz! Ang sasarap!" sabi ni Margo.

"Kumuha muna tayo ng pagkain natin bago tayo umupo." so we did.

Ang daming iba't ibang pagkain na nakahain. May local food at meron ding foreign foods. Kumuha na ako ng sa tingin kong kakainin ko at pati na din ng iinumin ko.

"Di ka ba nag da-diet?" tanong ko kay Margo nang makita ko ang plato niyng halos puno na.

"Nah. Hindi naman ako tumataba agad." that strikes me like a bullet. Samantalang ako tumataba kahit uminom lang ng tubig.

"Whatever."

After namin kumuha ng mga pagkain, umupo na kami sa bakanteng upuan sa gilid para kumain.

"Napaka daming namang tao." sabi ni Margo. I agree pero hindi na ako nagsalita. I hate crowded places kaya mas gugustuhin ko nalang umupo dito sa table namin.

Habang nasa kalagitaan kami ng pagkain namin, nagulat kami nang biglang may tumawag samin.

"Ate Carolina, Ate Serena!" napalingon kami at nakita ang isang babaeng tumakbo papalapit samin at niyakap kami. May kasama siyang lalaki sa likod na may hawak na inumin. Hindi ko maiwasang magulat nang bigla niya akong yakapin.

The heck?

Finally, kumawala na siya sa pagyakap. Tumingin siya samin at tumawa bago siya umupo sa vacant seat sa tabi ni Margo.

"Sobrang nagagalak akong makita kayo muli! " excited niyang sabi. "Kamusta na kayo? Kay tagal nating hindi nagkita." dagdag niya pa. Hindi namin alam ang sasabihin namin kaya naman nagtinginan kami ni Margo at pinilit nalang din ngumiti.

Gosh, this is so hard.

"Naku, sobra sobra akong nagagalak na nandito ka." plastic na sabi ni Margo pero napangiti niya ulit yung babae. Tumingin siya sa likod ni Margo kung nasaan yung lalaking kasama niya tapos tumingin siya sakin.

"Matagal ka na ding gustong makita ni kuya Gabriel. " bulong niya sakin sabay kindat. Nanlaki naman yung mata ko at napatingin sa lalaki sa likod pero nakatingin siya ngayon sa malayo.

"Bakit? Anong meron sakaniya? " tanong ko pero humagikgik lang siya at tumingin ulit sa kuya niya.

"Kuya Gabriel! Nandito na si ate Carolina oh? Wala ka man lang bang sasabihin?" sabi niya habang nakangisi. Nakita ko namang namula yung lalaki tapos uminom sa hawak niyang wine.

A Love That LastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon