CHRISTIAN VILLANUEVA
"Lunch tayo? Libre ko." sabi ko sa kanya.
"T-tara." sabi niya.
Pinasakay ko siya sa sasakyan ko at nagmaneho na.
"Jas." sabi ko.
"Yes po?" tanong niya.
"Kung maging katulad ka sa akin. Tapos may e tre-train ka, magaling siya pero ginagamit niya ang talent niya para gumanti. E tre-train mo ba?" tanong ko.
"H-ha? Para sakin kung ikaw yung tipo na dapat gamitin ang talent sa tamang lagay. Hihindi ako. Pero pag ikaw yung walang pake alam basta pera lang gusto oo talaga ako. Pero depende naman sa pro-" napatigil siya ng tinignan niya ako.
Kanina ko pa kasi siya tinitignan sa salamin. Kasi nga may sinasabi siya eh.
"Ahh ok." sabi ko.
"B-bakit po may e tr-train ka po ba na ganyan?" tanong niya.
"W-wala"
"Andito na pala tayo." sabi ko.
Lumabas ako at ganun din siya. Umupo kami sa bakanteng upuan at nag order. Nagkwentuhan lang kami. Sabay tawanan.
Ang sarap niya palang kasama. Mukhang walang problema. Hindi ako makapaghintay na kumanta siya mag isa at sumikat.
----------------------
Umuwi na si Jasmine at ako naman papuntang office ni Kian.
"Excuse me po?" sabi ng babae
"Ikaw po diba si Christian Villanueva?" tanong niya.
Tumango ako sa kanya.
"OEM!! Number one fan niyo po ako pwede po pa picture?!" sabi niya.
Kinuha niya phone niya at nagpic kaming dalawa. Wala namang mawawala kung may magpapic diba? Hindi naman ako madamot sa gwapo kong mukha.
"Kian! Busy mo ha."
"Naparito ka?" tanong niya.
"Namiss ko Kian ko." sabi ko sabay tawa.
"Sus! Bakit nga kasi." sabi niya.
"Eto kasi yun magbabakasyon kami nila Seth sa Bubble Island sama ka? Para marami tayo. Tsaka para makapagpahinga karin." sabi ko.
"Sige ba." sagot niya.
"Sige yun lang bye." sabi ko sabay sign sa kanya ng kiss.
"Utot mo!" sabi niya kaya napatawa ako ulit.
--------------------------
Andito ako ulit mag-isa hinihintay sila Ella.
Maya maya lang ay dumating na sila - ay wait siya lang pala.
"Goodafternoon sir Christian." bati niya.
Napabuntong hininga ako.
"Upo ka. Asan yung iba?" tanong ko.
"Ay sorry po talaga sir hindi po sila makakapunta. Bukas daw po pupunta sila dito." sabi niya.
"Tawagin mo lang akong Chris." sabi ko.
"Pero si-"
"Yun ang gusto ko eh." pagpuputol ko sa sinabi niya.
"Ok po."

YOU ARE READING
Two Hearts
RandomNaranasan mo na bang magmahal ng dalawang tao? Sino pipiliin mo? At sa story nato sino kaya pipiliin ni Christian? Puso'y nalilito, nasasaktan, at naduduwag. Normal sa isang tao na magmahal dahil may puso naman tayo. Pero ang magmahal ng dalawang t...