Gusto ko Sanang Magsalita Ama "Prologue"

177 0 0
                                    

Sabi nila sundin mo ang iyong mga magulang at igalang sila dahil iyon ang nararapat lamang na maging kabayaran sa mga pag-aaruga at alaga nilang ibinigay sayo bilang isang anak. Simula pa noong bata ako sinanay na ako ni nanay na makinig na lamang sa pangaral ni tatay tungkol saakin masakit man o hindi wala na talaga akong karapatan pang magsalita.

Ako nga pala si Kim, labing walong taong gulang panganay sa tatlong magkakapatid.

Ang pinaka matagal ko ng naaalala tungkol sa tatay ko ay siguro noong apat o limang taon ako noon. Tumatakbo ako ng mabilis sobrang bilis ayoko kasing maabutan ako ni tatay dahil papaluin nya na ako masayado na kasing hapon noon at ang tagal kong nakipaglaro sa mga kapitbahay namin pero sa kakatakbo napagod din ang aking mga binti at naabutan nya ako. Napalo ako ng malakos ng kanyang sinturong balat sobrang sakit halos napaiyak ako. Pinuntahan ako ni nanay at pinasabihan huwag na akong uulit., ang tanging nagawa ko na lang ay tumango. Sa isip ko noon kinumbinsi ko na mali talaga ako at dapat ngang paluin para magtanda. Yaan na ang huli kong naalala.

Noon nakikitira kami sa bahay ng tito ko, wala sya doon sapagkat nninirahan sya sa Amerika kaya tumira muna kami doon kasama ang tiyuhin ni tatay at ang kinakasama nito kami sa ibaba at sila lolo naman sa itaas. Ayos naman doon halos gabi na rin kasi kung umuwi yung lolo ko at hindi na kami nagkikita-kita. Nasa likuran naman ng bahay namin ay ang mga tiyahin ni tatay. 

Isang malalim na gabi habang natutulog ako. May naririnig akong nag-aaway at tila nagsisigawan mas nagingibabawa at halos umalingawngaw ang boses ni tatay. Nakikipag-away pala sya sa kanyang tiyahin at asawa nito. Sa totoo lang mula noong limang taon ako mapaghanggang sa ngayon hindi ko alam kung bakit ny ginawa yun. Pinalays kami sa bahay at dala ang kakaunting gamit na inilagay sa jeep ay umalis kami patungo sa bagong bahay namin.

Ang panglawang bhay namin ay isang bahay paupahan, sa totoo lang wala kahit ano yon. ang nailgay lang namin ay isang mesa at foam na higaan. Mas naging masaya naman ako doon dahil nandoon ang mga pinsan ko at mas marami pang kalaro. Halos lahat nalaro ko dun patintero, piko, bahaybahayan, touching ball at habulan. Sobrang saya doon Pero malapit din kami kina lolo at inang ang nanay at tatay ni daddy halos 6 na taon silang hindi nagpapansinan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gusto ko Sanang Magsalita Ama "Prologue"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon