Chapter Seven.
Samantha Angeles
"Hi Taehyung!"
"Hi Jhope!"
"Ang gwapoooo mo Jin!"
"Hello Namjoon!"
"Kyaaah Suga!"
"You got no jams jimin!"
Hindi ko na sana papansinin iyong Bangtan Boys ng marinig ko ang
"Hi Jungkook babyyyy!"
Awtomatikong napataas ang kaliwang kilay ko.
Ayan na pala si Jungkook.
Dumiretso na silang pito doon sa dulong upuan.
Aaaarrgghhh! Nag-iinit na 'yong ulo ko. Ngayong malapit na sila sa akin lalo na 'yang si Jungkook, hindi na ako mapakali.
First time ko silang makita. Ang bilis talaga ng mga pangyayari. Dati, natanaw ko lang sila sa Airport e.
Dati, sa pictures ko lang sila nakikita.
Ngayon, parang hindi talaga ako mapakali. Argh! Ano ba 'to.
Akala ko, tahimik sila...
"Yes Jimin! Nakita mo ba 'yong pusang puti kanina?" Sabi nung singkit na feeling ko ito 'yong Jin? Naalala ko nung nag research ako.
"Oo. Bakit?" Ito naman ata si Jimin.
"Puti parin hanggang ngayon! Hahaha!"
At ayon, nag tawanan na silang lahat.
-.-
Napaka korni. Nilingon ko iyong Jungkook, tahimik lang na nag e-earphones.
Wow, suplado talaga.
"Ikaw JK? Nakikita mo ba si Suga-hyung mo?" Tanong ulit nung Jin.
"Ha?"
Tignan mo! Bingi talaga. Tsk.
"Si Suga-Hyung mo! Nakikita mo ba?" Pag-uulit nung Jin.
"Oo bakit?" Sagot naman nung chinitong bakla.
"Ayon. Maliit parin. Hahaha!" Pagbibiro nung Jin kaya nakita kong binatukan sya nung si Suga yata? Maputi sobra e.
Walang tigil silang nagkukulitan at walang tigil silang nag-iingay.
Ganito ba talaga sila?
Eto ba 'yong sinasabi nila na pinapangarap nila?
E bakit parang hindi naman sila nakakilig?
"Hi Miss."
Napalingon ako kaagad nang may tumayo sa harapan ko.
Hindi ako umimik. Nakakatulala. S-sino 'to?! B-bakit may Gwapong nilalang akong nakikita?
"Miss?" Pag-uulit nya.
"H-ha?" Umayos ka Samantha!
"Pahiram ako ng Ballpen, please?" Pagpapacute ni... Ito ata 'yong Taehyung?
Bumalik ako sa aking katinuan at tinaasan ko sya ng kilay ko.
"Wala kang ballpen? Bakit pumasok ka pa?" Pagtataray ko.
"Woooooahhh!"
Nadinig ko ang sabay-sabay na reaksyon at sigawan nila sa likod.
Huy Samantha! Be nice. 'Yong plano, remember?
I cleared my throat bago nagsalita ulit.
"Ah---eh.. J-joke lang, hehe. Saglit lang," pagbawi ko sa sinabi ko.
Dali-dali kong kinuha ang mga Ballpen ko sa Gucci bag ko at iniabot ko na sa kanya.
"Oh Ito, Ballpen."
"Oh Ito, Ballpen."
"Oh Ito, Ballpen."
"Oh Ito, Ballpen."
Asdfghjkl! Kumalma ka, Samantha!
Medyo nagdikit iyong mga kamay namim pagkaabot ko ng ballpen sa kanya! Tapos nagkatitigan kami.
Omygod.
"Ehem."
Bigla,nakadinig kami ng isang pag-ehem.
Napaayos kami ng posisyon at nagtatakhang tumingin ako sa kanya.
Nakatingin kasi sya sa sa Gucci Bag ko. Problema nito?
Hindi na sya nagsalita pa at kinuha na nya ang ballpen at bumalik na sa upuan nya.
Diyos ko po. Ano ba 'tong nangyayari sa akin.
Lumabas muna ako para pumunta ako ng canteen. Bibili lang siguro ako ng tubig. Haaaayyyy!
First day of school. May nakausap na kaagad ako sa kanila.
Nice to know.
~•|•~
Vote and Comment!
=)

BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
Random•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.