"Hoy Sage! Pinatatawag ka nung bakulaw." Sabi sa akin ni Miki.
"Eto na ang isang taong sermon ni boss." Sabi ko kay Miki. Tumawa lang siya. Tumayo ako at lumabas sa office ko. Pumunta ako sa opisina ni Sir Oliver. Ang team leader namin at fiancé ni Miki na best friend ko.
"Miss Romualdez, sit down." Sabi nito sa akin. Shet eto na. Umupo ako sa upuan sa harap niya. Hinilot niya kaagad ang kanyang sentido. How I wish papasok si Miki dito at ididistract ang boyfriend niya, but no. I messed up big fucking time.
"Ang HR department ay nagdecide na, Sage. Wala akong magagawa. Si Tito ang head doon." Sabi niya. HR? Anong meron? Am I? No.
Ibinaba niya sa coffee table ang isang folder. Binuklat ko iyon. Resignation form.
"Bakit? I mean, that was my first mlistake and probably my last too. Bakit?" I asked.
"That mistake caused a big loss at ito ang paraan ng kompanya para singilin ka sa nawala." Sabi niya.
"But I'm one of the assets of this company! Alam na alam mo yan Oliver!" Sigaw ko.
"Yes, yes. I know. Pero hindi ko na sila makokontra. Alam na alam mo naman Sage kung bakit." Sabi niya. Oo. Kasi tuta siya ng pamilya niya.
Lumabas ako ng opisina niya at dumeretso sa office ko. Binuksan ko ang computer ko. Gagawa ako ng resignation letter na hindi makakalimutan ng demonyo niyang tito. Nagtype ako sa computer ko.
Hoy Panot,
Una sa lahat, tangina mo. Alam mo kasi na asset ako ni Oliver kaya ginagawa mo to. Pangalawa, manyak kang panot ka, ang baho ng hininga mo to the point na kinakailangan ko pang mag spray ng pabango sa office ko pag nandon ka. At pangatlo, di mo ko kailangang sesantihin, magreresign na ako. TANGINA MO. MAMATAY NA KA PANOT. PAKYU.
Sage Elisse Romualdez
Naka all caps ang last part at naka color red at chiller ang font. Bwiset ka panot. Hindi na ako nag-abalang ilagay iyon sa envelope, pumunta ako sa office ni Panot para isupalpal sa kanya to. At pag sinabi kong isupalpal, literal ang tinutukoy ko.
"Nasan yung panot?" Tanong ko sa secretary nito.
"Nasa board meeting po." Patay ka sakin panot ka.
Double door entrance ang ginawa ko pagdating ko doon. Nilapitan ko agad si Panot at isinampal sa kanya ang resignation letter ko.
"Ayan oh! Lamunin mo! I fucking resign, pakyu!" Sabi ko at lumabas ng silid.

BINABASA MO ANG
Complete Stranger
RomanceMe loosing my job was a fucking blast in my face. Minahal ko ang trabaho ko more than anything. Kaya nga 26 na ako ay NBSB parin ako. At dahil sa heartbreak na natamo ko, nag set ng bakasyon ang kaibigan ko. She sent me to Isla Mercedes. Isang priva...