Chapter 3

57 5 0
                                    

Chapter 03

Blaire's POV

Blaire Del Rosario,
Placere adiuva me.

Nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ang librong hawak hawak ko dahilan upang mapatingin sa gawi ko ang lalaking tumulong sa akin kanina.

Dali dali siya tumakbo at sinuri ang katawan ko.

"What happened?" bakas sa boses niya ang pagaalala.

Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang pagkabigla.

Bakit pangalan ko ang nakasulat sa librong iyon? At ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon?

"Please tell me. Anong nangyari?" tanong ulit niya at mas lalong inilapit niya ang katawan niya sa katawan ko dahilan upang maramdaman ko ang hininga niya sa aking tenga.

Nanlaki ang mata ko at biglang kumabog ang dibdib ko ng marealize ko kung anong posisyon naming dalawa.

"Ehem,"

Naitulak ko siya ng di oras ng marinig kong may umubo sa pinto.
Nakita ko si Mira na nakatayo at nakangisi sa aming dalawa.

"What are you doing here Chase?"

Tumawa ang lalaking nasa tabi ko habang pinapagpag ang kanyang damit na nadumihan. Naawa naman ako sa kanya dahil mukhang napalakas ata ang pagkakatulak ko sa kanya.

Tumango ang lalaking tinawag ni Mira na Chase at kumaway sa kaniya. Ngumiti naman si Mira sa kanya pabalik pero halatang ito'y pilit.

Close pala sila?

Pamilyar siya ngunit hindi ko alam kung ano ang pangalan niya. Nakita ko siya sa kung saan pero hindi ko matandaan kung kelan.

Nagtitigan silang dalawa at parang naguusap sila gamit iyon. Tumagal ito ng ilang minuto bago bumaling ang tingin ni Chase sa akin.

"Nice to meet you Blaire," ngiting ani niya at naglakad paalis.

Nabigla ako dahil sa sinabi niya. Kilala niya ako?

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

"May nahanap ka na ba?"

Napatingin ako kay Mira na tumitingin na ngayon ng libro sa malaking bookshelf. Napansin ko na may hawak hawak siya sa kaliwang kamay na kulay itim na libro.

"Oo. May nahanap na," sagot ko sa kanya.

"Tungkol saan?"

Napatigil ako sa tanong niyang iyon.

Kinuha ko ang librong kaninang naihulog ko at itinago ito sa aking likuran.

Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang hiwaga ng librong ito. Alam kong meron ibig sabihin kung bakit nakalagay ang pangalan ko at kung ano man iyon ay ako mismo ang aalam.

"Tungkol sa sa -- sa love. Tama. Gusto ko kasi magbasa ng lovestory ngayon hehehe," palusot ko sa kanya.

Napataas ang kilay ni Mira sa sinagot ko sa kanya. Alam kong hindi siya naniniwala sa akin. Naconcious ako ng tignan niya ako ng diretso sa mata. Hindi ko naman iniwas ang mata ko at nakipagtitigan rin sa kanya.

"Whatever Blaire,"

Tumango na lang siya matapos niyang sabihin yun at inaya akong kumain. Nagugutom na daw siya kaya lumabas na kami ng library.
Buti na lang ay hindi na siya nagtanong pa dahil wala na akong maisip na pwedeng ipalusot ko sa kanya.

Space Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon