Chapter 3 – Is this love?
Tagaytay. Isa sa pinakamagandang lugar sa buong Pilipinas para pagtayuan ng bahay. Kaso lang mahal ang lupa. Can’t afford. Sa isip-isip ni Andy. Inilibot niya tingin sa buong paligid. Hindi niya akalaing isang subdivision ang kinaroroonan nila. Para siyang nasa New Zealand. Mga baka na lang ang kulang parang nakarating na talaga siya sa nasabing lugar.
Malalayo ang pagitan ng mga bahay at puro luntian ang nakikita niya. Kasalukuyan siyang nasa mataas na bahagi ng lupa habang binubusog ang mga mata sa mga tanawing minsan niya lang makita. At ang sarap samyuin ng hangin. Hindi amoy lason na gaya ng sa Maynila.
“First time to be here?”
Nilingon niya ang kaibigang si Lara na nakatayo katabi niya. Mukhang hindi naman ito napagod sa halos tatlong oras pagmamaneho. “Yup,” marahan niyang tango.
“Really?” halos ‘di makapaniwalang tanong nito.
“Unbelievable ba?”
“Well, yes.”
Natawa siya. Nagsasabi naman siya ng totoo. Sa halos dalawang dekada niya sa mundong ito ay ngayon lang siya nakapunta ng Tagaytay. Hindi kasi siya ipinapasyal dati ng mga magulang niya. Laging busy ang Mama niya sa trabaho. Ito lang kasi ang nagpalaki sa kanya. Ang Papa niya ay maagang sumakabilang bahay. Sa madaling salita, sumama sa ibang babae.
“Hindi ka na nagsalita,” puna ni Lara sa kanya.
Nginitian niya ito. “Ang ganda lang kasi ng lugar.”
Tumango-tango ito. “Don’t worry, sis, we’ll be staying here for two days. Para masulit mo ang pag-punta dito.”
Nanlaki ang mga mata niya at hinarap ito. “For real?”
“Do I look joking?” sabi nitong natatawa sa reaction niya.
“Hindi nga? Totoo talaga?” Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at inalog.
“Isang tanong pa sasampalin na kita,” biro nito na akmang pagbubuhatan siya ng kamay.
“I love you, Lara!” sigaw niya sabay yakap sa kaibigan. Sa totoo lang, abot langit na naman ang pasasalamat niya sa rito dahil sa sinabi nito. Tinupad na naman nito ang isa sa mga pangarap niya. Parang isang tingin lang nito sa kanya ay alam na alam na nito ang gusto niya. Parang nakababatang kapatid ang turing niya kay Lara. Pareho kasi silang nag-iisang anak lang. Ang malaking pinagkaiba nga lang ay anak mayaman ito samantang siya ay masasabi niyang nasa tamang ayos lang ang buhay pinansyal nilang mag-ina. Nakakapag-aral siya, may maayos na tirahan at nakakakain ng tama.
xoxoxoxoxoxoxo
“Ito ba ang bahay ng Uncle mo?” tanong ni Andy sa gitna ng pagkamangha sa laki ng bahay na nasa harapan nila ngayon ni Lara. Halos tatlong minuto ang layo ng bahay na iyon mula sa tinigilan nila kanina.
BINABASA MO ANG
The Suitor
Teen FictionAndy is a self-proclaimed Maria Clara in the modern world. No boyfriend since birth at hindi nagpapaligaw. Pero isang araw nagising na lang siya bilang girlfriend ng lalaking nagpalambot ng mga tuhod niya-- si Hector. Nagsimula ang lahat sa pakiusap...