Chapter Two: Even The Past Can't Explain

8 1 0
                                    

"Issa, bilisan mo. Baka malate na tayo." tawag ni Mamee sakin habang sinussuot ko pa ang heels ko.

"Opo. Eto na nga eh. Kuya Ver! Tara na!" sigaw ko kay kuya Ver na driver namin.

"Saan ba gaganapin ang graduation nyo?" tanong ni Mamee sakin pagkasakay namin sa kotse.

"Sa Elix Pavilion po. 1 PM po ang start ng Graduation." sagot ko kay Mamee habang medyo natatawa pa ko.

"My God, Leonora. Pasalamat ka at wala akong mga meeting ngayon sa Cheshire Academy. Ikaw talagang bata ka. Mga 10 pa lang andun na tayo, kundi talaga... nako masasampal kita!" pagsesermon sakin ni Mamee. 

"Sorry? Ok? Sorry? Hahaha, I love you Mamee."

Si Mamee na lang ang natitirang kapamilya ko.  Pero ang totoo, step mom ko lang sya. My biological Mom died when she gave birth to me. Si Leonora Guerrero, ang Mom ko. One of the most liked faces in the Philippines. Oo, I have her looks. Pero kay Dad ko nakuha ang ugali ko. Pero, may naging mistress pala si Dad noon, si Maria Secondez. Isa rin sa mga hinahangaang mukha sa Pilipinas, in short mortal silang magkalaban ni Mama. Hindi lang sa pagmomodel, pati na rin sa isang lalaki. Si Christopher Grandioso... ang Daddy ko...

Pero ang pinaka malaking naging issue sa pagitan nila ay nung maging mistress na ni Dad si Tita Maria... hindi pa ako pinapapanganak non, pero after ng panganganak sakin ni Mom, namatay na nga sya, after nyang malibing... tyaka lang daw nalaman ni Dad na nagkaron sila ng anak ni Tita Maria... Si Ate Marisse. Kaylangang panagutan ni Dad ang responsibilidad nya sa other family nya. Kaya naman nagsama sila ni Tita Maria... But everything must come to an end. And their relationship ended on Ate Marisse's birthday. Nagsawa na daw si Tita Maria kay Dad, pero they have three kids. Si Ate Marisse, Alice, at Venice. Ang pinaka close ko sa kanila ay si Alice dahil kami ang halos magkalapit lang ang age. 16 na sya ngayong 2014 and I'm going to turn 18 on April 21. Pero isang bagay lang talaga ang naging dahilan para maputol ang komunikasyon ko sa kanila... si Mamee Helena Prancia, ang bagong naging karelasyon  ni Dad after two years na maghiwalay sila ni Tita Maria... pero hindi lang din dahil don... dahil si Alice nakakasama ko pa hanggang sa panahong nalaman ko na... may hindi pala sya sinasabi sakin...

FLASHBACK...

 Alice's POV (October 11, 2013 4:15PM)

Calling Harold...

Me: Hello? Harold? Nasan ka?

Harold: Papunta na ko dyan.

Me: Nasan si Ate Issa?

Harold: Umalis na si Belle, kaya nga pupunta ko sa inyo eh. 

Me: Ok, see you.

Beep... Beep... Beep...

"Ma, pupunta si Harold dito ah." sabi ko kay Mommy.

"Ok anak. Aalis na muna kami ng Tito Philip mo." sagot ni Mommy sakin habang inaayos ang kanyang buhok.

"Ok po Ma. Ingat kayo ni Tito, Love you." sabay kiss ko sa cheeks ni Mommy.

Ang hirap ng sitwasyon namin ni Harold, kumbaga Mistress ako ng boyfriend ng half-sister ko. At higit pa don, lagi kaming magkasama ni Issa nung mga bata pa kami. We're like twins nga daw eh. Pero, ang nilandi ko... ang boyfriend nyang si Harold. Since Second Year sila na, pero kami ni Harold almost 4 months pa lang. In short 4 months na naming niloloko si Ate Issa. Hindi ko alam kung anong kayang gawin ni Ate Issa pag nalaman nya to... baka sumunod ako sa hukay ni Daddy Toph, and I feel sorry about this...

Ding dong--- Ding dong...

Andyan na siguro si Harold...

"Hey Sexy," sabay smooch nya sa lips ko.

"Ambilis ah? Sayo ba yung car? Bago ah?" tanong ko kay Harold, but the car... it looks familiar. At bigla ngang lumabas si Ate Issa!

"Ano to? Ano to?! Sagutin nyo ko!" sigaw ni Ate Issa habang lumuluha.

"Ate mag-eexplain ako. Sorry ate, sorry." sagot ko habang sinusubukan kong hawakan siya.

"Sorry? Sorry? Bakit? Kung hindi ko siguro kayo nahuli di pa kayo aamin! Tinarantado nyo ko eh! Alice pinagkatiwalaan kita... kapatid nga kita di ba? Ano ba? Ano Alice? Akala ko ba di natin hahayaang mangyari ang nangyari kayla Mom at Dadee Bie? Pero ano to? Alice tignan mo ko ng deretso!!" galit na galit si Ate Issa. At di ko sya matignan ng deretso sa mga mata nya. 

"Belle, sorry. Alam ko ako ang mali. Wag mo ng idamay si Alice, I'm sorry Belle." sagot ni Harold kay Ate Issa.

"Ano? Ipinagtatanggol mo si Alice sakin? Ano bang meron tong babaeng to ha?! May mali ba saki--"

"WALA ISSA! Wala Issa, wala. Pero..."

"Pero ano Harold?! Ano?! Mamili ka nga samin ng babaeng yan! Ako o si Alice?" tanong ni Ate Issa kay Harold. This is too much... sigurado ako kung nandito ang Dadee Bie ngayon baka sya pa ang unang pumatay sakin... binilin pa naman ni Dadee si Ate Issa kay Harold... tapos ganto pala ang mangyayari... Napaka sama kong tao...

"Si Alice..." sagot ni Harold kay Ate Issa. I was in shock when he said that... pero bakit ako? Bakit ako? Bakit? Di ako makapag salita dahil nirerespeto ko si Ate Issa. At sigurado ako... hindi na mababalik ang dati naming samahan...

"Fine. This is fucking insane. Masarap pag dalawa no? Nakakainis kayong dalawa. Mga baboy kayo, Alice hindi ka nag-iisip bago mo pinatulan tong lalaking to. At Harold, nagkulang ba ako? Ano bang ikinaganda nya sakin? Ano?! Sana bago nyo ginawa yan, sana manlang pumasok sa isip nyo si Dadee. Ayoko na... wag na wag nyo na akong kakausapin ulit kahit kelan..." sabay pasok ni ate Issa sa kotse nya. Naiwan kami ni Harold sa labas, kaya naman pumasok na kami sa loob para pag-usapan ang mga nagyari.

"Bakit ako ang pinili mo?" tanong ko sa kanya, habang umiiyak pa din ako dahil sa nagawa ko.

"Kasi Alice, mahal na kita..." sagot nya. 

"Pero mali ito eh. Minahal mo ko? Pero, Oo mahal din naman kita... Kaso..."

"Wala ng pero, pero. Basta mahal kita Alice."

End of Chapter Two: Even The Past Cant Explain

Please wait for Chapter Three, maybe by May 10 ma-update na po ito. Medyo nasasarapan po ako sa pag gawa eh. Hahaha.

S T O L E NHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin