"hali ka dun tayo"
"sige!"
aniya ng mga batang naghahagaran sa may Park.
at ako nama'y narito pinagmamasdan ang buong kapaligiran. na para bang araw araw may hinahanap.
tama bang kalimutan ko na ang lahat?
paulit ulit na tanong sa isipan, pero kahit anong gawin ko. hindi ko magawang kalimutan siya. patuloy ko paring hinahanap ang presensya niya.
Reena na saan ka na ba?
.
.
.
magkababata kami ni Reena. magkasama kaming lumaki sa probinsya.halos lagi kaming magkasama noon, inaabot pa nga kami ng gabi sa paglalaro sa labas.
hanggang sa magdalaga at mabinata na kami. nasaksihan ko ang pagbago ng itchura at pangangatawan niya, mas lalo siyang gumanda. at di ko namalayan unti unti na akong mas napapamahal sa kanya.
ang makikinis at mapupula niyang mukha ang madalas kong pagmasdan kaysa sa sinasabi niyang ganda ng kapaligiran.
mga bata palang kami may pagtingin na ako sa kanya at Sana ganon din siya sa akin.
ngunit pagtungtong namin ng kolehiyo ay siya kaming pinaghiwalay ng tadhana.
pinadala siya sa Amerika upang doon magtapos. at ako nama'y pinagpatuloy ang pagaaral dito ng di siya kasama.
pero bago siya umalis, sinabi niya sakin na
"Edward mahal kita noon pa simula pa nung bata pa tayo"
"Mahal din kita Reena, mahal na mahal, aantayin kita kahit gaano pa katagal"
"hindi ko alam, kung makakabalik pa ako"
bahagya akong nalungkot sa sinabi niyang yon. ngunit pinilit kong ngumiti.
"edi magiipon ako, hahanapin kita-"
"shhh... wag mong iikot sa akin ang mundo mo. mga bata palang tayo. may mga pangarap ako at ikaw alam kong may mga pangarap ka. gusto kong tupadin mo yun"
gusto kong sabihin na pangarap kong makasama siya habang buhay, pero tama siya may pangarap siya at ganon din ako, ayokong pigilan siya sa mga gusto niya.
nagulat na lang ako ng bigla niya akong halikan.
tumagal ang halik namin hanggang sa di ko na naramdaman ang mga labi niya. at pagdilat ko. wala na siya.gagawin ko ang gusto niya. kaya kahit mahirap, tiniis ko ng di siya kasama.
nagsipag ako. kumuha ako ng scholar sa Government at nakapasa naman ako sa Average masyado kasing mahal ang kursong kinuha ko. pumasok ako sa TUP. (Technical Universy of the Philippines)
hanggang sa nakakuha ako ng diploma sa pagtatapos ng kursong fine arts major in interior design.
matapos ang madugong labanan sa pagaaral ay agad naman akong nakakuha ng trabaho sa isang sikat na companya.
.
.
.nakapagtapos na ako, natupad ko na yung pangarap ko. pero wala padin siya, wala padin siya sa tabi ko. tinangka kong pumunta sa Amerika Pero hindi ko alam kung saan lupalop ko siya hahanapin. kaya hanggang ngayon. nagaantay ako, nagbabaka sakali na baka bumalik siya.
tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagpasya ng umalis sa lugar na iyon.
kasalukuyang nagmamaneho ako ng tumawag sa akin si freetsie ang babaeng may gusto sakin.
hindi ko nga alam kung anong meron sa babaeng to at hindi niya ako sinusukuan.
kung ayaw ko daw manligaw siya daw ang manliligaw.
YOU ARE READING
Long wait is over, or move on? (oneshot)
Romancehanggang saan ang kayang gawin ng tadhana para sa dalawang taong nasasaktan?