DISTANSYA.
Distansya,
hiningi mo nung may nakilala ka ng iba.
Ang sabi mo, ilang araw lang, pero bakit ngayon wala kapa?
Hanggang ngayon naghihintay.
Di ko alam kung babalik kapa.
Sana naman sinabi mo nalang na meron ka ng iba.
Hindi yung para akong tanga na hinihintay kung babalik kapa.Ayoko sanang magsawa pero nararamdaman ko na.
Mahal kita pero hindi mo naman yun nadarama.
Kasi nga may mas mahalaga na.Ayoko sanang gawin ito dahil mahal kita.
Ayoko sanang iwan ka pero ikaw na ang na una.
Ano bang gusto mong gawin ko?
Para bumalik kalang sa feeling ko.
Nandito lang naman ako hinihintay ang pagbalik mo.Mahal, sana naman bilisan mo.
Ayoko kasing mawala ka sa feeling ko.
Mahal naman kita pero anong ginawa mo?
Iniwan mo lang din ako sa ere at siya na ang pinalit mo.
Basta ako.
Magiging masaya ako para sayo.
Kung saan ka, doon nalang din ako.
Mahal na Mahal kita at yoon ang pagkakatandaan mo.
Mahal, pasensya na ayoko na.
Panindigan na natin yang hiningi mong DISTANSYA! 💔--------
Comment lang kung nais nyo pang ituloy naten to hahahaha. Char. Please spread 😍😂