FIRST LOVE. (OnGoing Story)

25 0 0
                                    

Sabi nila hindi na daw mAdaling magmahal muli pagkatapos mong mahalin ang unang taong sobrang nagpatibok ng puso mo. “Comparisons are easily done once you have the taste of perfection” sabi ni Katy Perry sa kanta niyang Thingking of You.

“Hello Ate! Ate ka ni Tom diba?”

“Oo, classmate ka niya?”

“Oo ate, Ate Anna name mo diba te?”

“Oo, and ikaw si?”

“Timmy ate. Boto mo ako sa Adonis ha. Hehe!”

“Hehe! Oo naman. Sige, cute ka naman e. Ikaw ang Adonis ko.”

“Salamat ate Anna. Sige po punta muna ako sa meeting po namin.”

“Oh, sige ingat ka.”

Siya si Anna Ventura, isang 2nd year highschool, transferee siya sa school nila Timmy. Tahimik siya pero madaldal pag nakaramdam na ng  magandang aura mula sa mga kasama niya pero seryoso sa lahat ng bagay, mahina ang kanyang loob kaya pag nasaktan siya sigurado siyang iiyak at iiyak. At si Timmy Tan naman ay isang 1st year highschool, isang half Chinese at half Filipino, classmate siya ni Tom na kapatid ni Anna. At dito natin makikita kung pano ka- hirap ang makalimutan ang 1st love.

“Hello Ate Anna!”

“Hello Timmy!, lapit na botohan a, for sure ikaw na ang Adonis ng campus natin.”

“Hehe! Sana nga ate, salamat po.”

“Ate!”

“O?”

“Ahh. Ehh. Si Tom po?”

“Mmm. Hindi ko alam Timmy e, baka nasa cafeteria, alam mo naman yun, dun lang naglalagi.”

“Hehe! Ay, Oo nga po pala ate. Salamat!”

“O sige, klase ko na. bbye!” – papatalikod na si anna at ng nasa pangatlong baiting ng hagdan biglang….

“Ate!!!”

Napalingon si Anna, at hindi naihakbang yung isang paa kaya napatipalok at nahulog, pero ito ay nasalo ni Timmy.

Imagine mo, ang bilis ng reflex ni Timmy at nasalo agad niya si Anna, mabuti at matangkad at malaki ang katawan niya para mabuhat si Anna. At sila ay nagkatinginan sa mata, at may naramdman si Timmy na kakaibang kuryente habang nakatingin siya sa mata ni Anna. Matagal silang nagtitigan, hangga’t  nagsalita si Anna..

“Aray! Likod ko.”

“Ayy!! Ate Anna, okay ka lang?”

“Oo, okay lang ako, masakit lang yung likod ko. Sige baba mo na ako. Salamat ah…. Teka nga bat mo ba kase ako tinawag?”

“Hehe! Sasabihin ko lang sana na INGAT ka din e” At binaba na niya si Anna sa pagkabuhat

“Ayna, yun lang pala. Hehe! Sige salamat sa pagsalo ha!”

“Ate, hatid na kita sa room niyo.”

“Hindi na, okay lang ako. Sige, baka klase niyo na din. Bbye!”

At umalis na si Anna na nakahawak ang isang kamay sa hawakan ng hagdan at ang isa naman ay sakanyang likod. Ang saya ng pakiramdam ni Timmy, parang ang gaan ng loob niya sa nangyari. At naglalakad itong nakangiti, ng may biglang bumatok sa kanya..

“Uyy tol! Para kang tanga jan, nakangisi ka. Naka drugs ka? Hahah!”

“Gagi ka Tom! Hehe! Ate mo kase e, ang cute niya.”

‘Ano? Ate ko? Cute?? Nakasinghot ka nga ng katol tol. Halika na nga, late na tayo!”

“Hehe! Sige tol.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FIRST LOVE. (OnGoing Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon