WHEN YOU ARE MINE -CHAPTER FIVE

1.9K 55 16
                                    

" WHEN YOU ARE MINE "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER FIVE

Nasa kalagitnaan ng kasiyahan ang magkakaibigan ng tumunog ang cellphone ni Pierce pero hindi ito napansin ng binata dahil abala sila sa paghaharutan na para bang mga batang nakawala sa hawla porket paminsan-minsan lang nagkikita.

" Hello iha kumusta ka na?" tanong ni Quennie sa dalaga ng mga De Luna ito ang nakasagot sa land line ng pamilya na ito naisipan niyang tawagan ng nakailang dial siya sa anak pero walang sumasagot.

" Oh ikaw pala tita. Okey naman po ako. Napatawag ka tita? " tugon ng dalaga.

" Itatanong ko sana iha kung nandiyan si Pierce kasi tumawag ako sa Bontoc pero sabi ng pamangkin ko wala siya doon, gano'n din kina Darrell wala naman daw sila doon at hindi naman din siya sumasagot kaya nagbakasakali akong tumuwag diyan sa inyo. Nandiyan ba siya anak?" tanong ng ginang.

Umuusok ang galit niya sa taong hinahanap sa kanya pero hindi pa siya gano'n kabastos para idamay ang ina nito.

" Opo tita nandito po sila ni Darrell dumating sila kaninang-umaga. Gusto mo po ba siyang makausap?" magiliw pa ring tanong ng dalaga na kahit kumukulo ang dugo niya sa taong hinahanap sa kanya.

" Oo sana anak kung maaari." sagot naman ng ginang.

" Okey po tita saglit lang at dadalhin ko po sa kanya ang telepono." sagot ng dalaga.

Nasa taas o sa pangalawang palapag ng bahay ang kuwarto niya kaya naman may pagmamadali ang pagbaba niya na kamuntikang pagkadapa pa niya.

" Hoy unggoy na ewan kung bingi ba o nagbibingi-bingihan lang. Nasa linya ang mommy mo. Hindi mo daw sinasagot ang cellphone mo." bulyaw ni Janelle sa kinaiinisang lalaki saka ipinasa ang wireless phone saka muling  nagwalk-out pabalik sa  loob ng kanilang tahanan. 

Nais namang mapahalakhak  ng ina  ni  Pierce na nasa kabilang linya habang hinihintay na magsalita  ang anak.

" 'Pre mommy mo daw baka importante iyan." dinig  pa niyang  aniya ng kaibigan  nito.

Then...

" Hello mommy musta po kayo diyan?" sa wakas ay boses na ng anak ang narinig.

" Well half-half anak. Half na okey  kami at half na hindi." tugon  naman ng nasa kabilang linya.

Labis  namang  nabahala ang binata  dahil sa  unang pagkakataon ay gano'n  ang sagot ng ina. Nagkataon pang  wala silang magkapatid  sa  piling ng mga ito. Nasa bakasyon   siya at nasa Mindanao  naman ang kapatid  niya.

" Po?  Anong ibig mong sabihin mommy?" maang naman tanong ng binata pero mas  nabahala  siya ng napabuntunghininga pa ang ina.

" Mommy  naman anong  problema  diyan?" muli ay tanong ng binata dahil  talagang  nag-aalala na siya.

" If you can iho  come home. May death threat kaming natanggap dito pero hindi namin  alam kung para kanino at kanino galing kaya kako  kung okey  lang sa iyo come home. You can have your vacation  some other time anak." sagot naman ni Quennie.

Bilang  alagad ng batas hindi na kaduda-duda  na para sa kanya ang  death threat lalo at marami na siyang  binangga na matataas ang katungkulan  sa  lipunan.

" Okey po mommy. Magpapaalam lang ako sa  mga kaibigan ko at luluwas  na agad ako." sagot niya.

" Take care iho don't  be reckless in your driving." saad  na lamang ng ginang dahil kahit siya ay  nakaramdam din ng takot para sa  anak.

" Okey mommy I will. I'll  hang up the phone now  para  makapagpaalam  na ako sa kanila. See you there mommy." aniya na lamang ng  binata at pinatay na ang linya.

WHEN YOU ARE MINE BY :  SHERYL FEE ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon