"Emergency Room"

19 1 0
                                    



***
Palabas nako sa isang flower shop bitbit ang isang boquet ng bulaklak.Dumiretso ako sa lugar kung saan naging importante na sa akin sa loob ng maraming taon..

Nilapag ko ang dala dala kong bulaklak at sinindihan ang isang kandila saka nagdasal ng taimtim.
Ilang minuto pagka dilat ko ay hindi ko napansin na may mga luha na palang namuo at bigla na lamang tumulo sakto sa naka ukit na pangalan niya. Pangalan ng taong hindi ko man lang nakasama o nakilala ng totoo ang lalaking naging sandaling dumaan sa buhay ko ngunit minahal ko ng lubos.

"Justine Hernaez "..

Pagka basa ko sa pangalan niya ay tuloy tuloy na nga ang mga luha sa pagtulo sa mga mata ko hanggang sa napapikit na lang ako habang sinasariwa ko ang mga ala-ala ko na kasama siya,mga ala alang walang kasiguraduhan kung nangyari ba talaga?mga ala alang hindi ko inaasahan na mararanasan ko sa buong buhay ko..

'THROWBACK'

"Micah?Dumiretso ka dito sa hospital sinugod si daddy".. Bungad na sabi sakin ni kuya mico pagka sagot ko sa tawag niya.

"Okay kuya! Pupunta na ako agad,saang hospital ba yan?.. Tanong ko.

Pagka labas ko ng office ay nagpa diretso nako kay mang nonoy sa hospital na sinabi ni kuya na pinagdalhan kay daddy. Habang nasa byahe ako ay nagdadasal ako na wala naman sanang nangyari na masama kay daddy!sobra akong kinakabahan hanggang makarating na kami sa hospital.
Dumiretso na ako agad sa emergency room,pero bago ko pa man sila mahanap ay tumawag bigla si kuya mico sakin.

"Micah,dumiretso kana dito sa room #205 nailipat na si daddy okay na siya".. Si kuya mico

''Sige kuya'!.. Sagot ko sa kanya saka pinatay na ang tawag niya. Napabuntong hinginga naman ako dahil para akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa narinig kong balita mula kay kuya..

Paalis na sana ko sa emergency room ng mapansin ko ang isang lalaki na nasa upuan sa tapat ng pintuan ng E.R nakayuko at halatang umiiyak,hindi ko naman napigilan ang sarili ko na maawa kaya pinili kong lapitan siya para man lang pagaanin ang loob niya.

''Excuse me!,ayos ka lang ba? Tanong ko sabay upo sa tabi niya..

Tumingin naman siya sakin habang umiiyak kitang kita ko ang paghihirap at kalungkutan sa mga mata niya "Wala na."Matipid na sagot niya sakin habang patuloy siya sa pag iyak niya..

"Just be strong,ganyan talaga ang buhay may mga mahahalagang tao talaga sa atin na mawawala sa hindi natin inaasahang pagkakataon''. Sabi ko sabay abot ko sa kanya ng panyo ko na agad naman niyang kinuha at pinunas sa mga mata niya.

Maya maya pa ay hinawakan niya ang mga kamay ko,gumanti naman din ako ng paghawak sa mga kamay niya at hinigpitan ko pa, siguro nagawa ko yon dahil sa nararamdaman kong awa sa kanya at sa sakit na nakikita kong nadarama niya.

"Pwede ba kitang mayakap?" Tanong niya na automatiko namang sinagot ko ng tango.

Sa pagyakap niya sa akin ramdam na ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya,parang naramdaman kong gusto ko siyang alagaan at laging damayan. Pakiramdam ko matagal na kaming may kuneksyon,hindi ko gusto yung pakiramdam na nakikita siyang umiiyak nasasaktan din ako, parang nahuhulog ang loob ko sa kanya alam kong mabilis pero ayon ang eksaktong nararamdaman ko habang kayakap ko ang estrangherong lalaki..

''Micah nga pala ang pangalan ko.'' Sabi ko sa kanya ng lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin.

''Justine Hernaez''. Mahinang sagot niya..

''okay ka na ba? Gusto mo bang kumain''? Tanong ko sa kanya..

''Hindi na micah, salamat nga pala sa pagdamay mo''. Sagot niya sakin..

''Wala yon''.. Sagot ko sa kanya.

''Pupuntahan ko muna si daddy ko hah? Promise babalik ako, wait mo lang ako dito mga 30 minutes''. Dugtong ko pang sabi.

''Okay sige, salamat ulit''. Sagot niya.

Paalis nako ng bigla niya hinawakan ang kamay ko.

''Micah''. Tawag niya sakin na napalingon naman ako agad.

''uhm''?. Tanong ko.

''Promise me mag iingat ka palagi hah? Sagot niya.

''Oo naman! Ohh! Ikaw naman magpakatatag ka hah''. Ako.

''Promise me din na palagi mo akong dadalawin''. Siya.

''Hah? Wala ka namang sakit no''!. Pabiro kong sabi na ngumiti lang siya.

Ngumiti nalang din ako saka nag senyas na babalik ako bago ako tuluyang tumalikod sa kanya at umalis na..

Nasa pasilyo na ako naglalakad papunta sa room ng daddy ko pero hindi ko makalimutan yung lalaking nakilala ko kanina parang gusto ko na agad siya balikan at makausap muli.

Nag aantay ako ng elevator ng mapansin ko ang mga taong nag iiyakan sa tapat ng morgue, Dinig na dinig ko ang mga iyak ng pamilya ng namatay.

''Justine bakit ka sumuko''? Masyado ka pang bata para kunin samin anak''!.

Dinig ko na sabi ng isang babaeng umiiyak na halatang halata ang sakit sa pagkakasabi niya ng mga salitang iyon.

Naagaw ng pansin ko ang pangalan na nabanggit ng babae kaya naman pinili kong lumapit pa ng kaunti sa lugar kung saan sila nagluluksa.

Hindi ko makita ang mukha ng taong namatay dahil may isang lalaki ang nakatayo at nakaharang dito.

Ngunit halos nanlaki ang mga mata ko kasabay ng sobrang kaba na naramdaman ko ng makita ko ang isang pamilyar na panyo sa kamay ng taong pinagluluksaan nila.
Ayon ang panyong ipinahiram ko sa lalaking kausap ko kanina na justine din ang pangalan.

Masyadong dumami ang tanong sa isipan ko, nagkataon lang ba ang lahat?.

''Excuse me miss''. Paunang sabi ko sa dumaang nurse.

''yes ma'am''? Nurse.

''Kanina pa po ba yang bangkay na nasa morgue''?.. Diretsang tanong ko.

''Opo maa'm, mga two hours na po yan''. Sagot niya.

''Pwede ko ba malaman ang pangalan niya''?. Alinlangan tanong ko sa kanya.

Parang hindi ako makahinga sa tanong kong iyon at parang pakiramdam ko na ayaw kong marinig ang isasagot niya sa akin.

''Justine po maam''. Sagot niya.

''JUSTINE HERNAEZ'' po'!

-End-

Emergency Room ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon