"Ay sige mga tol alis na palako. mejo masama pala yung hangin dito eh. ge!" tsss anobang problema netong pusanggalang to? tuwing lalapit nlng ako lumalayo e. kala mo may nakakahawa akong sakit. tss kasalanan ko bang dito upuan ko?! siya kaya lumapit duh?
"oy pulutin mo Joooooooyce!"
"sasayad na sa lupaaaaaaaa!!!"
"ANO BA?! bat ang ingay niyong dalawa?!"
"eh kase naman po ms ALTHEA DE CASTRO GARFIELD yung nguso mo sasayad na sa sahig. kakaloka!"
"oonga buti nalang naagapan namin ni Mitch kung hinde panay germs na yang nguso mo HAHAHAHA"
*apir!* at nagapir panga po sila na akala mo talagang naisalba ako. tss.
"eh ano ba kaseng ineemote ng nguso mo jan ha?"
"hay nako Joyce, nagtanong ka pa. ano panga ba?! edi the usual. hahahaha kawawang Al" tsss pangasar pa tong si Mitch e.
"bakit kase sa dinami dami ng pwedeng timing nung nangyare eh, noh Mitch?"
"onga joyce eh, kung ako siguro yung nandun ganun din gagawin ko. para sure diba?"
"pero grabe padin talaga yung nguso ni Al kanina haha lampas pa siguro ng impyerno pagsasayaran nun kung di natin nasalo. hahahahaha"
"Alam niyo kayong dalawa di ko kayo maintindhan eh! di kayo nakakatulong. Magtigil kayo kunde sasamain na talaga kayo sakin!" kainis talaga tong dalawang to. tss.
"sorry na Al hahahahah kase naman ano ba talagang kasalanan mo diyan sa BESTFRIED mo at ganyan kayo ngayon?"
"alam mo mitch mga 123 456 789 ko na atang nasabe sayo yung dahilan. kelangan paulit ulit? kahit nga ako diko nga alam diba? diba? kung alam ko naman hindi naman ako magkakaganto ngayon e."
"haha oh easy ka lang Althea. minsan kase mali din segway mo e hahaha! easyhan mo lang kase. nawrowrong move kana nawrowrong timing ka pa. malas mo masyado hahaha!"
"ah sige Joyce naiintindihan ko. grabe. thankyou ha? ha? thankyou talaga kase diko naintindihan" -_______- ano ba kaseng pinagsasasabe ng dalwang to e.
"gusto mo Al i-interpret ko? hahahahaha"
"kailangan may pagtawa pang magaganap mitch? tss"
"sorry Al hahaha anyway ang gusto lang naman sabihin ni Joyce timingan mo yung pang a-Altheazone mo ng mga lalakeng nagkakandararapa sa kadiyosahan mo hahaha!"
"tumpak! minsan kase anjan na pero yang pang a-altheazone mo nadadamay yung dapat hindi naman dapat nadadamay"
"bat diko padin magets?" <(_ _)>
"ewan ko sayo Al! naturingang top 1at running for valedictorian pero sobrang bobo. yung totoo kumokopya ka lang kay Ken noh?"
"seriously Joyce? kay Ken? sa suki ng guidance?"
"ay oonga, ambobo ko. eh kahit na siya katabi mo e!"
"tss magtigil nga kayo. bobo niyo pareho kainis!"
"NAGSALITA ANG HINDE! HAHAHA" sabay pa naming sabi ni Joyce ayun namula si Mitch. bakit kamo? malamang babaeng counterpart ni Ken yan e hahahaha! hindi nga lang dahil sa mababa ang grades kundi dahil mahilig makipag away hahaha.
"ehem ehem"
natigil kami sa pagtawa ni Joyce kase nandiyan na pala si Mam Amparo ang pinakastrikta sa lahat ng tao sa balat ng lupang tatapakan niya. Ang mas kinakatakot ko pa mukang hindi nagustuhan ni mam yung nadatnan niya. Juice Colored kung nakakamatay yung mga tingin ni mam baka hindi lang first blood, doublekill o triple kill inabot ko. mukang godlike pa. oh no. oh no.