Chapter 4: Ouch!

2 3 0
                                    

Author's POV

"Pano na yan. Hindi na pumasok pa si John. At mukhang alam na lahat ni Joshua." Sabi ni Jeremy kay Sam na kanina pa aligaga at hindi mapakali. Pabalik-balik na naglakad at halatang may malaking problemang dinadala.

"Hi guys!" Pag-eksena ni Liza at Ely na sabay pang nagsalita.

"Ito na yong snacks niyo." Sabay abot ng dalawang coke mismo at dalawang nova.

"Hey Sam, bat di ka mapakali jan? May problema ba?" Tanong ni Ely sabay bigay ng snacks.

Pero inabot lang ni Sam ang snacks at tahimik pa rin.

"Wag niyo na muna siyang kausapin. Mukhang malalim ang iniisip niya." Sabi ni Jeremy na napupuno na ang bibig sa kakakain.

"Ano ba kasing nangyari? Kayo ha? May tinatago kayo no?" Tanong ni Liza.

"Ganito kasi yon. May tinatagong napaka-importanteng bagay si Jeremy na ninakaw ni John. Ang bagay na yon ay matagal na niyang pinaghirapan. Ang bagay na yon ay ang kanyang alas para matupad ang lahat ng mga pinaplano niya. Kaya nong mawala yon ay lubos na nag-aalala itong si Sam. At hindi na mapakali." Mahabang paliwanag ni Jeremy.

"Naku! Tara sugurin na natin!" - Ely.

"Tama. Turuan natin siya ng leksiyon." -Liza.

"Naku, wag na kayong mag-aalala. Alam kong may pinaplano na itong si San. Maghintay na lamang tayo sa mga iuutos niya." Sabi ni Jeremy na bising-bisi sa kakakain. "Teka nasaan na si Rita? Bakit wala siya dito?" Dagdag pa nito.

John's POV

I'm on my way patungong Cr.

Hay naku, kung kelan pa ako nagmamadali saka pa ako maaabala ng ganito.

Hay ilang kembot na lang mararating ko na ang Cr.

One! Two! Ayan na ang pinto.

Ngunit bago pa man ako makapasok ay meron akong nakitang nakakakilabot, nakakaloka!!!

Talagang lumaki ng husto ang mga mata ko nang makitang naghaarutan ang dalawang nilalang. They're having fun. Pero naputol ito nang makita ako.

Si Rita nakasandal sa lababo habang si Ivan busy naman sa kakahalik sa kanya!!!

Oh no!
Kinakabahan na ako.
Ano bang gagawin ko nito.?
Isa na ako ngayong nakatirik na kandilang walang sindi.

"Fvck!!!" Ang tanging salitang lumabas sa bibig ni Ivan.

"Mag-c-CR lang sana ako. Excuse me.!" Papasok na sana ako sa isang Cr nang hawakan ni Ivan ang braso ko ng mahigpit at iniharap niya ako.

"What??" Tanong ko sa kanila.

"Diretsyuhin na kita. Magsusumbong ka? O matsutsugi ka?" Pagbabanta ni Ivan sakin na mas lalo pang hinigpitan ang pagkahawak sa magkabila kong braso.

" Naku! Grabi. Pwede ba wag niyo na akong alalahanin. Ayoko kayang matsugi. Kaya just continue what you're doing. Naiihi na ako." Sabi habang sinusubukang kalasin ang pagkahawak niya.

"Mabuti."

Hay thank you naman at binitawan na niya ako.

Omg!! Grabi na talaga tong mga nangyayari ngayon. Naloloka na ako.

Marco's POV

Tanghalian na. Sa wakas nakayanan ko ring hindi pansinin ang dalawa. I'm not yet ready this listen. Hindi pa talaga ako handa. Sariwa pa ang sugat. Kailangan ko pa itong pahilumin.

Kinuha ko na ang baon ko at nilagay sa arm ng chair.

Wala kasing cafeteria ang school na to. So poor. Pati nga mga kagamitan dito sa skwela kulang. Buti na lang talaga at napaaga ang pagpapatayo ng mga building para sa senior Hugh school students. At naukupa kagad namin ito.

Binuksan ko na ang baon ko.

At hotdog.
Hotdog na naman ang baon ko.
Naku si mama talaga, hotdog na lang palaging pinabaon sakin.

Kumain na ako nang may muli akong naalala!

"Pahingi ng hotdog! Hahaha"

Si john. Siya ang palaging nangunguha ng hotdog ko noon. Ngayon wala na. Nakakamiss din naman pala.

Ano ba kasing nakain ng baklang yon at magawa niya akong galitin. Nacurious na tuloy ako. Haaayyy!!

Hindi ko talaga maiwasang maalala siya.

Kakain na sana ako ng may biglang umeksena sa room.

"Pasok!! Pumasok ka!" Galit na sabi ni Ivan habang kinaladkad si Joshua.

Pinagtitinginan na tuloy sila ng mga studyante.

"Napaka-epal mong bakla ka.!!" Sigaw nito habang binubugbog si Joshua.

Anong gagawin ko. Ang mga to dito sa room takot sa kanila. Oh common.

Pano ko sila aawatin. Hindi ko kakayanin si Ivan.

Mah sumunod na pumasok. Si Lester na hawak-hawak si Ley.
What am I going to do?

Patuloy pa ring binubugbog si Joshua.
Hindi ko na matiis ang nakikita ko. Si Joshua dumudugo na ang ilong at bibig.

Shittt!!!

Naglakasloob akong lumapit sa kanila at hinila ko si Ivan. Kaya napaatras siya.

"Ano bang problema niyo? Bakit niyo siya binubugbog?" Tanong ko sa kanila habang hinarang ang nakadipang kamay ko kay Joshua.

"Wag kang makialam bakla kung ayaw mong matulad sa kanya. Umalis ka jan." Kinabig niya ang balikat ko ng sobrang lakas kaya nadapa ko.

Aray!! Ang sakit ng dibdib ko besss. Nasubsub ako sa floor.

Kailangan na namin ng tulong. Agad akong bumangon at kinuha ang bag ko.

Nasaan na yong cellphone ko? Bakit wala dito? Nasaan na yon???

"Ito bang hinahanap mo?" Wika ng isang boses kaya napalingon ako.

Ian?

"Ibalik mo sakin yang cp ko. Akin na yan!" Sinubukan kong kunin sa kanya ngunit ayaw niyang ibigay

"Akin na sabi!!!!" Dahil sa napuno na ako ay natulak ko siya nang malalas at natumba siya.

Gosh!!!

"Sorry!! Di ko sinasadya." Pero hindi tumalab ang sorry ko. Para na siyang isang bulkang malapit ang puputok. Naku! Bugbog na naman ako nito.

Tugtug!!
Tugtug!
Tugtug!!
Tugtug!!
Tugtug!!

Palakas na ng palakas ang tibok ng puso ko.

Lumapit siya sakin at pagbubuhatan na niya ako ng kamay. Kaya pumikit na lang ako?

"What's happening here???" Napalingon kaming lahat sa nagsasalita.
Natahimik ang lahat.

Yong adviser namin. Si Mam Natalie. Salamat naman!!

Agad akong tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Joshua. At wala na siyang malay!! Naku!!!! Hindi maaari.

"Joshua!!" Tinatapik ko ang kanyang mukhang nababalot ng dugo.

Lumapit na rin si Ley.

"Joshua gising!!" Mangiyakngiyak na tawag Ley kay John ngunit hindi na talaga siya gumalaw pa.

Chineck ko rin kung may pulso pa siya. And thank goodness buhay pa.

"I said what's happening here!!!!" Malakas na sigaw ni mam.

"Mam tulong si Joshua.!!!"

Natahimik si Mam at lumapit sakin.

"Tumawag kayo ng ambulansiya dali!!"  Utos ni mam sa mga studyanteng nasa paligid. "At kayong tatlo hintayin niyo ko sa guidance office!"

__________

To be continued......

My Bestfriend's Beast FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon