Chapter 8

1 1 0
                                    

AC's POV

So ayun nga. Nasabi ko na ba sanyo na nandito kami ngayon sa room? *cruu-cruu* Ahm. Mukang hindi pa. Ayun nga nandito kami sa room at nagkaklase. Nag didiscuss si sir sa harapan at ito ako nakatunganga lang.

Malapit na rin mag end ang class kaya hindi nako nakikinig. Bait kong estudyante noh? Well, ganun talaga. Wala na kayong magagawa about don.

"Psst!"

Ano yun? Bakit parang may sumisitsit? Hush. Baka wala lang yun. Sabog lang ako.

"Psst!"

Parang meron talaga ehh. Lumingon lingon ako. And there si Ash tinatawag ako. If you're wondering kung bakit di nya nalang ako kalabitin total magkatabi naman kami ng upuan. Pwess! You're wrong. Lumipat na sya doon sa upuan nilang Mark. Iniwan na nya ako. Huhuhu ang sad ko na:'( charot.

Kinunutan ko lang sya ng noo. Nung problema neto.

"Ano?"

May binubulong sya.

"Hatid jshuwgdaio."

Ano daw?

"Ha?"

"Hatid afghkljks!"

What? Di ko talaga marinig.

"Ano!?"

Mukang napipikon na sya mga kavavayan based sa kanyang muka.

"SABI KO, HATID NA KITA SANYO! BINGI! TSK!"

Nagulat ako sa biglang pag sigaw nya. What the? Napatigil si sir sa pagdidiscuss at napatingin samin. Tumingin narin mga classmates namin.

"Yes, Mr. Dela Cruz? Do you have something to say?"

Lagot ka ngayon balbon. Sigaw sigaw pa. Yan tuloy. Bwahahaha :p

"Ahmf. Nothing sir. I'm sorry!" Paumanhin nya.

Hahaha. Wawa naman ang sang toh. Ang epic ng mukha nya.

"Ok. Mamaya na kayo magligawan ni Ms. De Los Reyes. So let's go back to our topic."

La? Ba't nasali ako? Langya to si sir. Nanahimik nga lang ako dito.

"Hoy beast!"

Nilingon ko si Tatech. Nu nanaman ba meron?

"Ohh?"

"What's the meaning of that? Ayieee."

"Wala. Chismosa."

Tinulak ko muka nya na nakasilip sa muka ko. Manghahalik pa yata ang isang to.

"Aysuss. Talande mong babae ka. May paugly ugly jerk ka pa dyan. Type mo naman."

"Ulol ka Tet. Bangasan kita dyan ehh."

"Huyy Noby!" Tawag nya kay novie na nanahimik sa gilid.

Hurt Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon