Walang Titulo

13 2 0
                                    

Minahal kita sa paraang alam ko. Nagtiis ako kahit hindi dapat. Ninais ko nang buong tapat na suklian ang aking pag-ibig. Ngunit wala paring nangyari sa kabila ng aking mga ginawa. Hindi naging sapat upang magbigkis ang ating mga puso.

Inisip kong bumitaw na lang sa pagmamahal na bunga ay lumbay. Ninais kong sabihin mong ako talaga ang mahal mo.Ginusto kong mahalin mo, yun nga lang ayaw mo. Ang hirap kapag nasasabi mo pang masaya ka para sa kanya kahit ang totoo gusto mong sumigaw na lang ,magwala at sabihing "anong gagawin ko".

Malungkot kapag wala ka. Pero hindi ko sukat akalna mas malungkot pala kapag nakikita ka, kapag napapatingin ako sa iyong kamay, kamay na hawak ang kaniyang kamay. Sa tuwing nakikita ko kayong magkahawak, hinihiling ko na lang sa hangin na ang kamay ko ang hawak mo, yun nga lang malabong mangyari. Mahal kita ngunit hindi mo ako mahal. Mahal kita ngunit hindi kita pagmamay-ari. Mahal kita hanggang dun lang.

Spoken  Word  PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon