Gumigising ako sa bawat umaga sa sabik na sabik na masilayan ang iyong mukhang mapayapa at maamo. Sabik na sabik akong akapin ka at damhin ang init ng iyong mga yakap. Sabik na sabik akong marinig ang "GOOD morning" mo na hindi mo malimot-limotang bigkasin.
Sa bawat umaga batid kong mahal mo akohigit pa sa aking inaasahan. Tanaw ko ang katotohanan sa iyong matang ako ang laging hanap. Tanaw ko ang katotohanang mahal na mahal kit at hindi ko kayang mawala ka. Pasyal, kain, hanggang sa sumapit ang dapit hapon at kailangan ng magpaalam. Bukas ulit ay daratal ang bagong umagang gigising ulit ng sabik na sabik. Sabik na sabik na muli ay gawin ang nakasanayan.
Sa aking pagtulog na labis ang himbing, laman ng puso't isipan ay ikaw. Kahit sa panaginip ay ikaw lang ang nais na mapanaginipan.
Gumising ako ulit sa bagong umaga na ubod ng sabik. Sabik na sabik akong tumungo sa dating tagpuan, naghintay ngunit walang dumating. Hindi ko nasilayan ang iyong mikhang mapayapa at maamo. Hindi ko naakap at nadama ang init ng iyong mga yakap. Walang "good morning", walang pasyal at walang kain. Ang meron lang ay ako na naghihintay parin hanggang sa sumapit ang dapit hapon. Ako ay nagpaalam sa sarili at umasang andyan kana sa muling paggising.
Muli akong gumising at muling nasabik. Nasabik ako lalo na nang makita ka. Subalit agad ring napawi. Napawi ang aking kaligayahan at pagkasabik ng dumating ka na kasama sya at iyong sinabi,
"Sorry mas mahal ko sya, magmahal ka nalang ng iba".

BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetryLove heals, love hurts. Masakit ngunit hinahanap-hanap. Ang tanong, Until when? Hanggang kailan maninindigan sa ngalan ng pag-ibig o hanggang kailan masasabing tama na?