Chapter III : Lunch Attack

21 7 2
                                    

Natapos na ang unang klase at masaya ako dahil dun. Pakiramdam ko'y nag wakas na mga kamalasan ko ngayong araw. Pag kalabas ko, halos wala nang tao sa bawat kanto na madaanan ko. Nag mukha tuloy itong abandonado, siguro ay nasa cafeteria silang lahat kumakain.

Gusto ko din sanang pumunta dun, ang kaso hindi ko naman alam kung paano wala na din akong mapagtanungan kaya napag isip isip kong kumain nalang sa labas ng school.

Nasa hallway palang ako sunod sunod na ang pag kalam ng sikmura ko at halos mapa busangot pa ako dahil dito. Gutom na talaga ako. medyo malayo layo pa ako mula sa gate ng school. Masyado ding mahaba ang hallway dito, akalin mo 'yon halos kalahating kilometro yung distansya.

Pero okay lang kahit na papaano, maganda din kasi ang madadaanan mo dito. Isang maliit na lawa at isang magandang hardin ang nakapalibot sa mga gilid ng hallway. Tapos idagdag mo pa yung mismong pag kakagawa ng straktura nito. Medyo luma ang disenyo pero elegante, gawa sa marmol ang sahig nito at meron itong malalaking sementong pundasyon. Ang galling talaga dito sa loob mas maganda siya sa personal kaysa sa mga imahenasyon ko lang dati.

Ilang minutong lakad pa ay nasa kalagitnaan na ako ng hallway. Natanaw ko din sa hindi kalayuan ang isang grupo ng mga studyante na nakatambay sa isa sa mga malalaking pundasyon nito. Mukha silang malalakas at nakatingin sila saakin. Lima sila lahat, dalawa sakanila ay babae at yung tatlo naman ay pawang mga lalaki. Hindi maganda ang pakiramdam na nakukuha ko mula sakanila, lalo pa't kitang kita ko ang maitim na awrang nakapalibot sa mga ito.

Hindi ko nalang sila binigyang pansin at dumeretso lang ako sa paglakad, nang halos nasa tapat na nila ako. Bigla kong naramdaman ang pag yanig ng lupa napansin ko din ang pag galaw ng tinatapakan kong sahig.

Naramdaman ko ang panganip mula rito kaya naman agad akong napa atras ng ilang metro. Umangat bigla ang parte ng sahig kung saan ako naka pwesto kanina. Matutulis ang dulo ng lupang umangat mula roon at siguradong ikamamatay 'yon ng sinumang matamaan ng matutulis nitong dulo.

"ahh... hindi narin masama." Isang boses ang bumasag sa katahimikang bumabalot sa buong lugar.

"hindi ko inasahang maiiwasan mo 'yon ng ganoon kadali lang. dika naman pala mahina gaya ng sabi nila." papuri pa nito.

Isang lalaki ang lumapit sa harap ko. Matangkad siyang lalaki, maputi at meron siyang kulay gintong mga buhok. Nakasuot siya ng isang black long sleeves na may gintong dekorasyon sa gilid, slacks and black shoes, uniporme naming mga lalaki, ang kaso, nakasuot din siya ng kapa.

Nanliliit ako sa mga titig niya sakin, pakiramdam ko sa isip niya palang ay tina-tapak tapakan niya na ako.

"sino ba kayo? Ano ba ang kailangan niyo sakin?" pagtatakang tanong ko sakanya. May pakiramdam na akong mangyayari ito dahil sa mga naganap pero hindi naman sa puntong mapapatay ako.

"Edward. Ako si Edward Nafilia. At isa akong Elementalist." Nakangising pagpapakilala nito saakin. "siguro ay hindi mo pa naman nakaligtaan kung anong ginawa mo kanina, hindi ba?"

"Ah... teka... ano ba yung ginawa ko? Pasensya na wala akong maalala..hehe..." mariin kong itinanggi mga paratang nila saakin at dahil dun biglang nawala ang ngiti sa labi ni Edward at napalitan ito ng pagka inis.

My Phantasm [Rise of the God of Time]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon