CHAPTER 1

6.6K 147 4
                                    

Ang dilim.... Bakit ang ingay? Na saan ako? Naka upo ba ako?

"Hahaha yan ang nararapat sayo! Nerdy little boy". Dinilat ko ang aking mata upang malaman ang nangyayari. Oo naka upo nga ako. Pero na saan ako? Nilibot ko ang paningin at saka ko nalang nalaman na nandito ako sa school. Elementary student pa ako nito. Grade 4 student. Papaano nangyari? Bakit ako bumalik? A-anong nangyari!

"Ano lalaban ka! Kaya mo na ba buto mo!". May naririnig akong ingay sa labas ng klase namin kaya lumabas ako. Nakita ko ang tatlo kong mga kaibigan. Binubully na naman nila ang tinatawag nilang the one and only nerd boy. Siya si Matthew. Hindi ako sumasali sa pambubuska nila sa kanya dahil ayokong manakit ng tao. Lalo na't ang nerd boy na binubully nila ay kapitbahay namin dati, kaibigan ko dati at kaklase ko pa nung Grade 2 pa lamang ako. Natandaan ko pa noon nung kumukuha ako ng mangga sa likod ng bahay nila. Mangga ang paborito kong prutas. Nahulog ako sa puno ng mangga dahil sa katangahan ko. Pero pagkahulog ko hindi ko akalain na sasaluhin niya ako. Don nag simula ang pagkakaibigan namin dalawa. Siya lang ang tinuring kong kaibigan. Itinuring ko narin siyang kapatid sa kadahilan na gusto kong magkaroon ng kapatid. Wala akong maalala tungkol sa buhay ko simula nung pinanganak ako at nung grade 1 ako. Naninirahan lamang ako kina ninang at ninong. Sila ang nagpalaki sa akin at tinatanong ko sila kung may alam sila tungkol sa simula ko pero wala daw.

Pumunta ako sa bahay nila Matt para yayaing maglaro sa labas. Pero laking gulat ko ng wala ng nakatira sa bahay nila. Wala man lang akong alam na lilipat na daw sila ng tirahan. Simula noon lagi akong nakakulong sa kwarto at palaging natutulog. Malungkot ang buhay ko noon simula nung nawala si Matt.

At ngayon, Grade 4 student na ako. Lumipat kami ng bahay kaya lumipat narin ako ng school. Nag bago ang buhay ko dito ng may makilala akong mga bagong friends. Ngayon ko lang naisipan na makipagkaibigan pa sa iba dahil hindi pa huli ang lahat. At ito sila ngayon, binubully si Matthew. Hindi ko akalain na magkikita ulit kami at kaklase ko pa siya. Tinanong ko dati si Matt kung naaalala niya pa ako pero hindi daw.

Hindi ko magawang mailigtas si Matt sa mga kaibigan ko dahil naduduwag ako. Duwag ako na baka mas lalong saktan nila si Matt dahil sa pinagtatanggol ko siya at sa ikaselos nila. Kaya wala akong nagawa kundi panoorin nalang sila.

"Hoy! Bingi ka ba! Gusto mo bang matikman ang petmalu kong sampal?". Gusto kong lumapit sa kanila pero hindi ko magawa.

"Ayaw mong mag salita ah. Itong sayo!". Balak ko sanang pigilan ang mga kaibigan ko ng biglang....

" HOY MISS CLAIRE! ABA ANG SARAP NAMAN ATA NG TULOG MO? ANO! TULOG MANTIKA LANG ANG FACE?". Bigla akong nakaramdam ng sakit sa binti ko dahil sinipa ako ng malakas ni Em. Napabangon ako ng bigla sa higaan sabay hawak sa binti kong puno na ng pasa dahil sa kasisipa sa akin ni Em. Em ang tawag ko sakanya. For short of Emily. Nakilala ko siya nung grade 6 pa ako. Bago ko siyang kaibigan. Dahil ang mga kaibigan ko nung grade 4 at 5 ako, namatay daw sila dahil sa sakit sa puso. Pero nakakapagtataka talaga dahil sabay sabay silang namatay at parehas pa sila ng ikinamatay (Sakit sa puso). Sinasabi nila na nagkataon lang daw talaga ang nangyari sa kanila.

At ito ako ngayon, may panibagong kaibigan. Si Emily Vello. Namatay na daw ang kanyang mga magulang at ang kapatid naman niya ay iniwan na siya. Binubuhay nalang daw siya ng kanyang kaisa-isahang tita niya. Pero nakitira muna ako sa kanila dahil gusto kong samahan si Em sa bahay nila. Pumayag narin naman sina ninang at ninong sa desisyon ko.

"Ano ba! Ang sakit ah! Ano ba problema mo? Kanina ka pa ah". Napansin ko ang buhok niya na may tumutulo na tubig. Nakasuot lang siya ng tuwalya. Siguro kakaligo niya palang.

"Oo kanina pa ako, kanina pa kita sinisipa para lang gisingin ka. Ano bang napaginipan mo at sarap na sarap ka sa tulog. Tumutulo pa nga laway mo. Kaloka ka girl". Yan ang gusto ko sakanya. Ang pagkabaliw na babae. Hehe ^_^

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon