[A/N: Please play the media para masmaramdaman niyo yung CREEPYNESS.... *evil smile*]
"Nasan ako? Anong lugar 'to?" tanong ni Keith sa kanyang sarili.
Habang iniuuli ni Keith ang kanyang paningin sa lugar ay hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng pangingilabot at takot.
Nasa isang madalim siyang kakahuyan. Wala siyang ibang makita sa paligid niya kundi ang mga nagtataasang puno lang. Wala rin siyang ibang marinig kundi ang mga tunog ng mga kulisap at ng iba pang mga insekto. Idagdag mo pa ang malamig na simoy ng hangin na lalong nakakapagpakilabot sa kanyang pakiramdam. Sinubukan niyang maglakad, pero agad din siyang napatigil nang may makita siyang tila pigura ng tao na nakatayo sa di kalayuan.
He is standing against the light, kaya hindi matukoy ni Keith kung babae o lalaki ba ito. Ilang sandali pa niya itong tiningnan, at nagulat nalang siya nang biglang may bumuka mula sa likuran nito, na tila parang mga pakpak. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Keith sa nasaksihan niya.
Maya-maya pa'y nagsimula na itong maglakad papunta sa direksyon niya. Tuluyan na siyang natakot, kaya naisipan na niyang tumakbo. Tumakbo lang siya ng tumakbo habang palingun-lingon sa likuran niya. Nakikita niyang nakasunod ito sa kanya, kaya lalo pa niyang binilisan ang kanyang pagtakbo, at sa muli niyang paglingon ay napahinto nalang siya nang mapansin niyang bigla nalang itong nawala sa paningin niya.
BINABASA MO ANG
Haunted Enchanted [COMPLETED]
Horror"mga taong mag-isa, mga taong walang minamahal, mga taong lubog sa kalungkutan, at mga taong puno ng galit ang kalooban. Naririnig nila ang bawat pagtibok ng puso mo, at sa bawat pagpintig ng mga ugat nito ay nalalaman nila ang nasa isip mo, yung em...