Friday... Class outing...
7:45 am nakarating ng school si Keith. Nakita niyang nandun na yung mga classmates niya na nag-hihintay din sa mga kaibigan nila. Sunod nakita ni Keith si Shaun.
"Shaun! Good morning!" pangiting bati ni Keith kay Shaun. "Agap mo ah? kanina ka pa?" dugtong niya.
"Good morning din! hindi naman, kararating ko lang din." pangiting sagot naman ni Shaun.
Sunod na nagsidatingan sina Neil at Shane.
"Goodmorning guys!" bati ni Shane dun sa dalwa.
"Aga niyo ah?" –Neil
"hindi din, magkakasunuran lang naman tayo eh." –Shaun
"sina Melisa at Jerick kaya??" –Keith
"hay naku! kakatext lang sa 'kin ni Mel at paalis palang daw siya ng bahay nila. Kakasundo lang din kasi sa kanya ni Jerick eh." –Shane
"pahulihin talaga kahit kelan yung magkatipang yun!" kunot noong reklamo ni Keith.
Nang makita nilang nagsisipag-akyatan na sa bus yung mga classmates nila...
"ano guys? akyat na din ba tayo? Baka maubusan tayo ng pwesto eh?" –Neil
"sige, tara na. Hayaan niyo na yung dalwang yun, malalaki na sila." Sabi ni Keith at nauna na siyang umakyat ng bus.
Magkatabi silang dalwa ni Shaun sa upuan. Maya-maya pa'y dumating na din sina Melisa at Jerick and after 5 minutes ay umalis na yung bus nila. Natulog lang buong byahe si Keith habang nakahilig ang ulo niya sa balikat ni Shaun. Samantalang, wala namang ibang ginawa si Shaun buong byahe kundi pagmasdan lang ang natutulog na si Keith habang hindi maalis sa mukha niya ang ngiti.
Nang makarating na sila sa destination nila...
"Welcome to Villa Barbara's Spring Resort"
Tila natigilan si Keith at napanganga naman ang mga kaibigan niya pagkakita sa entrance ng resort.
"Wow. Is this really the place??" tila hindi makapaniwalang sambit ni Melisa.
"Infairness! Maganda siya ha?" patangu-tangong sambit naman ni Shane.
"pero ang creepy." Halos bulong na wika ni Keith sa sarili.
Pagkatapos ay pumasok na silang lahat. Nagsipagderetsuhan sila sa mga cottage na inassign sa kanila para ilagay ang mga gamit nila at pag-stayan na din.
Magkakasama sa cottage sina Melisa, Shane, at Keith. After nilang maayos yung mga gamit nila ay nagkanya-kanya na sila ng pag-eexplore sa lugar. Habang mag-isang naglalakad-lakad si Keith sa may spring at tahimik na ineexplore yung lugar ay tila hindi niya mapigilan ang sarili niya na kilabutan.
"bakit ganito? maganda naman yung lugar kung sa maganda, pero bakit ganito ang pakiramdam ko sa lugar na 'to?? Medyo kinikilabutan ako." Sambit ni Keith sa kanyang isipan habang patuloy lang niyang inililibot ang kanyang paningin sa buong lugar.
Sa pamamasyal ni Keith ay tila may nakakuha ng pansin niya sa isang parte ng spring sa di kalayuan. Sinubukan niyang aninagin ang pigura na nakatayo sa may malaking puno, pero masyado itong malayo sa kanya kaya hindi niya lubos matukoy kung ano ba talaga ang kanyang nakikita. Basta ang tangi lang niyang natatanaw ay ang katawan nitong puting-puti.
"ano kaya yun??" –Keith
Lalapit sana siya sa kinaroroonan nito nang biglang dumating si Shaun kaya hindi rin niya yun natuloy.
"Keith." Tawag ni Shaun kay Keith na agad naman nitong ikinalingon sa kanya.
"oh? Shaun?" wika ni Keith pagkalingon niya kay Shaun at mabilis din niyang ibinalik ang tingin niya dun sa may puno ngunit ikinataka niya nang makitang wala na dun yung nakita niyang pigura.
"nasan na yun??" Bulong ni Keith sa sarili at nagpalinga-linga siya sa buong lugar para hagilapin yung pigura.
"Keith. Bakit?" tanong ni Shaun nang mapansin niya ang ginagawa ni Keith.
"huh? ahh.. wa-wala!" tanggi ni Keith. Nang hindi na talaga niya mahagilap yung pigura ay inaya na niya si Shaun na umalis. "Tara na nga dun." sabay hatak niya kay Shaun.
Nagsimula ng i-enjoy ni Keith yung outing nila kasama ang mga kaibigan niya. Naligo sila sa spring at naglaro din ng ilang games. Nang mapagod sa paglalaro sa tubig ay naisipan ng bumalik si Keith sa cottage nila para magbihis.
Bago pumasok sa CR ay sinigurado ni Keith na naka-lock yung pintuan nung kwarto nila para hindi siya basta-basta mapasok. Habang naliligo si Keith ay may narinig siyang ingay sa labas ng CR. Inakala niyang sumunod na rin sa kanya yung dalwa niyang kaibigan kaya hinayaan lang niya ito. Nang matapos siyang maligo at makapagbihis ay lumabas na siya ng CR.
Sa paglabas niya ng banyo ay nagulat nalang siya nang makita niyang sobrang gulo ng cottage nila na para bang binagyo.
BINABASA MO ANG
Haunted Enchanted [COMPLETED]
Terror"mga taong mag-isa, mga taong walang minamahal, mga taong lubog sa kalungkutan, at mga taong puno ng galit ang kalooban. Naririnig nila ang bawat pagtibok ng puso mo, at sa bawat pagpintig ng mga ugat nito ay nalalaman nila ang nasa isip mo, yung em...