HE4

340 7 0
                                    

[A/N: ALam niyo na.. hehehe.. *wink* *wink*]



"Keith.. Keith! Keith!!!!!!!!!" tawag ni Melisa habang pilit na ginigising ang kaibigang halatang binabangungot.


"Keith gising!!!!!!!" segunda ni Shane.


Sa paggising ni Keith ay agad siyang bumangon at mabilis niyang niyakap ng mahigpit si Melisa habang bakas sa mukha niya ang sobrang takot.


"papatayin niya ako! papatayin niya ako! Ayoko!" halos nanginginig na wika ni Keith habang bakas ang takot na umiiyak.


Hindi man lubos na maintindihan ang nangyayari sa kaibigan ay pilit kinomport nina Melisa at Shane si Keith.


"Keith tahan na. It's just a bad dream." Wika ni Melisa habang hagod-hagod ang likuran ni Keith na nananatiling nakayakap pa rin sa kanya.


"Keith binangungot ka lang. Walang gagawa nun sayo, okay?" dagdag pagpapakalma pa ni Shane.


Nang kumalma na si Keith ay nagbihis na sila at pumunta na sa function hall ng resort para magbreakfast. Nang makita sila ng boys...


"oh? Anong nangyari kay Keith? Bakit parang sabog yan??" takang tanong ni Jerick habang nakatingin sa nakatulalang si Keith.


"hindi nga din namin alam eh." –Melisa


"nagising kami kanina na nagsisisigaw siya, then nung magising siya... nag-iiiyak na at takot na takot." Paliwanag ni Shane.


Nang hindi makatiis ay nilapitan ni Shaun si Keith. "Keith, okay ka lang ba?? anong nararamdaman mo? sabihin mo sa 'kin." may pag-aalalang wika ni Shaun habang nakahawak sa balikat ni Keith at nakatingin sa kanya ng deretso.


Ilang saglit lang ay muli ng naging normal ang lagay ni Keith at halatang bumalik na rin siya sa ulirat niya. "okay na ko Shaun, binangungot lang ako." Matamlay niyang sagot.


Nang mapansin naman ni Shane na kulang ang boys... "teka, nasan nga pala si Neil??"


"hindi nga namin alam eh." –Shaun


"Nagpaalam siya sa 'min kagabi na magpapahangin lang, pero nung magising kami kanina, nun lang namin nalaman na hindi siya natulog sa cottage." –Jerick


"baka naman nakahanap lang yun ng chic, at kung saan nakatulog?" –Melisa


"Naku, wag niyo ng hanapin yun. Malaki na siya. Susulpot nalang yun mamaya." –Keith


Haunted Enchanted [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon