HE5

306 10 0
                                    

Nang makabalik na siya sa mga kaibigan niya ay agad niya itong niyayang umalis sa lugar.


"Guys, we need to go." akit ni Keith sa mga kaibigan na ipinagtaka naman ng mga ito.


"huh? but why??" –Melisa


"hindi pa natin nahahanap si Neil!" –Shane


"hindi na natin siya mahahanap pa, kaya we need to leave this place! NOW!" –Keith


"Keith. What's happening??" –Shaun


"nanganganib tayo Shaun. We need to get out of this place!" –Keith


"What?? What do you mean?" –Shaun


"Pwede bang paki-explain ng mabuti para malaman namin kung anong nangyayari?" –Melisa


Huminga muna ng malalim si Keith para pakalmahin ang sarili bago siya nagsalita ulit. "may nakasalubong akong lalaki kanina nung mapadpad ako sa loob ng gubat at may mga sinabi siya sa 'kin."


"anong sinabi niya sayo?" –Jerick


Naigilid ni Keith ang kanyang tingin habang inaalala niya yung mga sinabi sa kanya nung lalaki. "Mga taong mag-isa, mga taong walang minamahal, mga taong lubog sa kalungkutan, at mga taong puno ng galit ang kalooban..... Mga nilalang na itinakwil ng langit at iniluwal ng impyerno. Mga nilalang na kumukuha ng puso ng tao."


"huh? hindi ko gets! Ano daw yun? Is it some kind of a ritual or black magic?? Ang creepy ha!" maarteng komento ni Melisa.


Muling tumingin si Keith sa mga kaibigan. "Guys makinig kayo sa 'kin! May ibang nilalang tayong kasama sa lugar na 'to. I don't know who or what it is, pero ang masasabi ko lang.. mapanganib sila." Sunod niyang tiningnan sa mata ang mga kaibigan niya. "Guys.." biglang nabalot ng lungkot at takot ang mga mata niya. "Yung... yung napanaginipan ko kagabi... Hindi siya panaginip.." sunod na nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata. "Totoo siya guys! Totoo siya! Papatayin nila ako... pati kayo, at lahat ng tao na nandito!! Hindi dapat tayo nagpunta dito eh! Hindi dapat!"


Hindi na kinaya ni Keith yung emosyon niya at naramdaman na rin niya ang panghihina ng tuhod niya kaya bahagya siyang napaupo sa lupa. Sinubukan naman siyang i-comport ni Shaun sa pamamagitan ng paghimas sa likod niya.


"hey. Kalma lang, okay?" –Shaun


"girl.. gusto kong maniwala sayo, pero... pano na si Neil?? Hindi na natin siya hahanapin? Pano kung nawawala lang din siya? At hinahanap niya din tayo? Kailangan niya tayo guys!" may lungkot at pag-aalalang wika ni Shane.


"pero walang kasiguraduhan kung buhay pa ba siya." –Jerick


Haunted Enchanted [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon