HE9 (Ending)

403 20 3
                                    

Sa muling pagmulat nina Keith at Shaun ay dun nalang nila narealize na wala na yung nakakatakot na nilalang. Pareho na silang nakahinga ng maluwag. At mula sa puntong yun ay hindi na nagdalwang-isip pa si Shaun na hawakan si Keith sa pisngi nito at tingnan ito ng deretso sa mga mata nito.

"okay ka lang?" medyo may pag-aalalang tanong ni Shaun kay Keith.

Bahagya namang ngumiti si Keith kasabay ng pagtango niya. "Oo, okay lang ako. Ikaw?"

"Okay lang ako hangga't alam kong okay ka." sagot naman ni Shaun at bahagya din niyang nginitian si Keith.

Naisipan na nilang lumabas sa guard house at sa paglabas nila ay laking gulat nila nang makita nilang tanaw na ulit nila yung gate, at malaki pa itong nakabukas para sa paglabas nila. Nagkatinginan muna sina Keith at Shaun...

"sa wakas, makakaalis na tayo dito." Nakangiting wika ni Keith.

Nakangiting inilahad ni Shaun ang kanyang kamay niya. "Tara."

Sa puntong yun ay agad namang humawak si Keith sa kamay ni Shaun at sabay nilang tinakbo ang daan palabas ng lugar na yun. Nang tuluyan na silang makalabas ng resort ay nun lang nila naramdaman na talagang tapos na, at ligtas na sila.































3 months later.....

Back to normal ang lahat sa buhay nina Shaun at Keith matapos nilang makalabas ng buhay sa resort, ngunit hindi nila maitatago sa kanilang mga sarili ang lungkot at pagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang mga kaibigan. After the school found out about the lost students ay agad silang gumawa ng aksyon para sa paghahanap ng mga nawawala nilang estudyante. Binalikan nila ang resort at sa tulong ng mga otoridad ay matyaga silang nagconduct ng search and rescue operation, ngunit buwan na ang nakalipas ay wala pa rin silang mahanap ni isa sa mga estudyanteng nawawala. Samantalang nagmistulang tikom naman ang bibig nina Shaun at Keith patungkol sa nangyari, dahil naisip nilang wala din namang maniniwala sa kanila kapag sinabi nila kung ano yung tunay na nangyari sa kanila sa loob ng resort na yun. Habang magkasabay na naglalunch sina Shaun at Keith...

"Shaun, alam naman nating tapos na diba? at ligtas na tayo, pero... hindi ko pa din maiwasang makaramdam ng takot at pag-aalala." Pag-oopen ni Keith.

Hinawakan ni Shaun ang kamay ni Keith. "Keith, pareho nating alam na hindi madaling kalimutan yung nangyari, kaya hindi kita masisisi kung medyo natrauma ka. Kahit naman kasi ako ay ganun din. May takot pa din akong nararamdaman, pero hangga't mahal natin ang isa't-isa at mananatili tayong magkasama.. malabo na siguro tayong guluhin ng kung anomang nilalang na yun."

"siguro nga tama ka. Dapat lang talagang kalimutan ko na yun." -Keith

Kinagabihan...

Sa kalagitnaan ng kadiliman ng gabi at malamig na simoy ng hangin ay mahimbing ng natutulog si Keith, ngunit muli siyang nagising nang dahil sa ingay na nagmumula sa labas.

"Ano bang ingay yun? Istorbo naman?" pupungay-pungay na reklamo ni Keith.

Bumaba si Keith ng kama at pumunta siya sa may bintana para tingnan kung anong nangyayari sa labas. Sa pagdungaw niya sa labas ay may nakita siyang dalwang bata na naglalaro.

"aba teka.. dis oras na ng gabi ah? Ang lalakas naman ng trip ng mga batang yun at gabing-gabi na ay naglalaro pa sila sa labas?? Hindi ba alam ng parents nila ang ginagawa nila?? Hmf! lagot sila sa 'kin ngayon, dahil inistorbo nila yung beauty sleep ko." -Keith

Haunted Enchanted [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon