Ginawa ko to.. hindi para magpapansin..^_^ hindi lang talaga ako makatulog kaya ang ginawa ko sinulat ko to. ddcated sayo idol ^___^
Bata pa lang ako nagbabasa na ako ng pocketbooks, second year hs ako simula nung maadik ako.. *** na ako ngayon matanda na ba? hehehe! Sa dami ng story na nabasa ko, may nakakakilig, nakakaiyak, nakakabwesit, pero lahat yun hindi tumatak..
Sumulat ako nito dahil gusto ko lang ibahagi ang karanasan ko sa story niya.. sobrang idol ko siya, ***** na ako pero di ko akalain na sa story niya makaramdam ako ng sobrang pagkamangha! kilig, sakit, at paghanga sa mga character ng story niya.
Share ko lang kung pano ko na discover ang story niya.. ^___^
Taon 2011 pinaka-unang nabasa ko ay "She's dating with a gangster" sa e-book yun, nung nabasa ko siya dami kong luha nun.. nakakaiyak talaga.. nakakatawa lang sa sementeryo ko pa yun nabasa kasi araw ng mga patay yun.. yung friend ko kasi ang nagpabasa nito, pinagyayabang niya talaga, at tama nga siya ang ganda, di ko pa alam ang wattpad nun, pero nung ma discover ko ang wattpad ang saya ko kasi di ko na kailangan bumili ng pocketbook may libre na eh, oh ang astig di ba? pero nung una eh hindi ko alam na pede pala siya palitan ng pinoy stories kasi yung mga nabasa ko english.. at yun na nga.. tuwang-tuwa naman ako.. romance lahat ang nabasa ko, pero nung ma discover ko ang action.. nahilig na ako.. lalo't babae bida.. gusto ko kasi yung mga bakbakan hehe.. pero habang tumatagal naging boring na rin.. kasi minsan pare-pareho na.. one time naghahanap ako ng action stories.. yung kakaiba.. itong story natu lagi kong nakikita pag na sesearch ako, kaso lagi ko syang ini-snob.. hindi lang isang beses kundi maraming beses hehehe.. oo! kasi ba naman ang haba ng story niya.. feeling ko nakakaumay ang story niya, nung time na yun hindi pa nag 1m ang reads nun.. mga 900,000+ pa yun..
Natandaan ko pa kung paano ko sinubukan basahin ang story niya.. bagyong maring yun.. dahil walang magawa sinubukan ko ito.. at na curious ako kasi ang ganda ng mga comments.. kaya binasa ko ang prologue! at wow nagandahan ako.. kaya tinuloy ko ito.. chapter 1 pa lang namangha na ako hehehe.. ang adik lang ng bidAng lalake kasi pinatid niya yung girl.. tawa ako ng tawa dun, lalo na nung sinapak siya ng bidang babae hahaha.. ang astig talaga.. simula nun hindi ko to tinigilan hanggang sa umabot ako sa season 2 pero sobra akong na frustrate dun sa bday ng bidang lalake.. kasi naka private yun wala kasing app ang phone ko nun kaya naman unang beses akong dumaan sa MB ni otor at sinabi ko nga na dq maopen ang private chapter.. at unang beses rin akong nagfollow ng group hehe.. sa kanya lang talaga.. kasi silent reader lang talaga ako noon.. gusto ko lang kasi tuloy-tuloy ang pagbasa ko.. dahil hindi pa rin ako maka move on nagpost na ako ng message doon sa group account niya..(poser story) nung time na yun iisang group lang gamit niya. pero ngayon madami na.
At dahil nga diko pa nabasa ang private chap. hindi ko muna binasa ang nxt chap. at doon ko nabasa ang message ni author sa inbox ko.. at dumaan pa sya sa mb ko hehehe.. sobrang saya ko nun.. kaso sa isang account q na yun yung "ihatemen" sa friend ko n ngayon ang account na yun. At tadaaaahhh.. sobrang tuwa ko ng mabasa ko ito hehe. mangiyak-iyak pa ako nun .. ito yung story na kung ano ang naramdaman ng isang bida ganun ka rin.. pag kinilig si bida.. kikiligin ka rin? pag nasaktan si bida nasasaktan ka rin? oo! ganun na ganun talaga! feeling mo eh nandoon ka mismo sa sitwasyon niya hahaha..
Sa story niya naging magala ako.. isang beses na oras ko na makita ang author na ito.. tumakas pa ako.. kahit alam kong hindi ako pede sa araw na yun talagang pumunta ako sa sm dasma.. dpa bukas sm nun talagang inagahan ko.. para akong si Cinderella nun kasi bago mag 12 nasa bahay na ako.. kaso bago ako umuwe dpa dumating si author.. gusto ko talagang umiyak nun.. nakaka depress.. sabi ko sa sarili di bali may booksigning pa naman.. kaya umuwe ako na luhaan na may tulong sipon pa hahaha! joke lang.. pero bago matapos ang araw na yun nakausap ko sya sa selpon! wahahaha.. ang sayaaaa ko nun!
Guys ang story na tinutukoy ko ay ang "HE'S INTO HER" publish na po ito under lib .. at available na sa lahat ng bookstores. at bestseller po ito.. sana basahin niyo to.. ang bait ng author na ito binalik niya sa watty ang season 1 kaya ano pa hinihintay mo basahin mo na?
At ito na ng dumating ang BOOKSIGNING.. sa fishermall yun.. kahit malayo pinuntahan ko talaga.. ang sakit pa ng puson ko nun.. para makita ang idol ko ok lang hehe.. at ng nandun na kami nakita namin si author na nakatalikod kasama ko si enel nun at si charlotte para akong tanga nun .. hala! si miss ma**** oh! dali sundan natin.. ako sunud ng sunud s kanya nun kaso nakatalikod siya kaya nahiya naman ako.. pero wag ka nakapapic din ako sa kanya.. ang bango niya.. nung una nakaka intimidate talaga sya.. nung umakbay ako sa knya nanginig kamay ko hahaha.. pero ang saya ko talaga nun.. at halos ang lahat na nandoon halos jijies! mygad! isa ako sa nakitili ng wagas doon.
Hanggang dito lang po ako.. akoy hihimlay na. pero bago ko makalimutan ang tinutukoy ko po na author.
siya po ang nag-iisang HAMBOG NA AUTHOR NA HINAHANGAAN KO NAMAN TALAGA NG SOBRA SI MISS MAXINE OR MAS KILALANG MAXINEJIJI SA WATTPAD.
Certified jijiera po ako.. kung mabasa mo to idol.. pagpasensyahan mo na ang aking kadaldalan hehehe