AN: Okay. Here's Chapter 5 =)
Baka sa susunod hindi ko maupdate kaagad 'tong story. Next week na kasi start ng class. Pagod pagod nanaman =___=". Layo pa school ko.
But I'll do anything para maupdate ko 'to. =).
You can comment naman about sa story. You can also ask questions. Wala naman problema kung magcocomment kayo eh. Pero please keep in mind na newbie lang ako =P. Pavote narin po =) (ako na demanding xD)
Last chapter naglagay ako ng POV ni Anjie. La lang. Natutuwa kasi ako sa kanila ni Aldred.
And this time.... >:)
----------------------------------------------------------------------------
[Tristan's POV]
@)!@$(!$(!$^!@&$**#%!^!!!!!!!!!!!!!!
Bwishiet! Nakakainis! Hindi ko na kaya! Pero kung hindi ko naman susundin si Dad... sigh.
Lahat nalang ng bagay. Lahat nalang siya nagkokontrol. Pati buhay ko pinepeste niya. Para lang akong isang manika na may mga sinulid sa katawan at si Dad ang nagkokontrol ng bawat galaw ko. Pakiramdam ko isa lang akong bagay sa kanya na walang kwenta at inuutus utusan lang. Isa lang akong pawn sa laro niyang chess. Isa lang akong paraan para mapalapit siya sa sarili niyang kaligayahan. Walang kwenta. Masyadong makasarili.
Pero kailangan kong sundin ang mga utos at gusto niya. Kundi. Hindi ko 'siya' makikita. Hindi ko 'siya' makikilala. Hindi ko 'siya' makakausap.
Maaga akong gumising ngayon. 6:15am bumangon na ako sa higaan ko. May pasok pa ako ng 7:30am sa lintek na bagong school ko. Yung 6:15 maaga na iyon para sakin. Problem?
Nagshower ako at sinuot ko na yung bago kong uniform. Hindi ko ugaling kumain ng breakfast kaya nagkape lang ako. Tinignan ko iyong cell phone ko. 104 messages. 58 missed calls. Langya. Natulog lang ako ganito na karami ang nagtext at tumawag? Lahat ng mga messages galing sa mga kaklase ko sa luma kong school.Karamihan sa mga messages...
Tristan! Totoo ba ang bali balita na lilipat ka na ng school? Bakit ganon? 7 days ka ng pumapasok dito bakit ka lilipat? May problema ba? - Ryan
Tristan my love! Why are you leaving us! Pano na kaming mga girls mo? - *hindi ko 'to kilala. Sino ba 'to?*
Hoy! Tae ka Tristan! Hindi pa tayo tapos! Bakit ka lilipat ng school? Nagtatago ka ba sakin?Umayos ka, hayop ka! - Bruno
Langya naman oh. Ginusto ko bang lumipat ng school?! Nakakatamad basahin lahat. Mamaya ko nalang ulit babasahin. Hindi ko nalang din sila sasagutin. Baka patayin nila ako =P.
Pumasok ako ng school. Since bagong mukha ako sa school na 'to, lahat ng tao nakatingin sakin. Sigh. Ayokong tinititigan ako eh. Pinasok ko nalang yung dalawa kong kamay sa mga bulsa ko at naglakad papasok sa school gate. Daming nagbulungan, nagtilian at nagtinginan sa katawan ko. Oo na. Gwapo na ako! Hindi ko naman kasalanan kung may ganito akong mukha eh. =P. Sinalubong ako ng matandang lalaking nakaformal suit.
"Good morning, Mr. Chavez. Welcome to our school. Ako nga pala ang Principal ng school na 'to. Please follow me." Nakangiti sa akin yung matanda. Wala akong sinabi at sinundan ko nalang siya. Dinala niya ako sa office niya at pinagkape. Grabe, okay lang ba 'to? Hindi ba ako male-late sa klase? Nah. Pake ko ba? Kinuwentuhan niya ako about sa history, vision, mission, blah blah ng school. Hindi naman ako nakikinig sa kanya eh. Wala naman kasi akong interest sa school na 'to. Bigla lang akong nagulat nung narinig ko yung pangalan ni Dad. Alam niya pala ang dahilan kung bakit ako natransfer sa school na 'to. Sigh. Nagulat pa ako?
BINABASA MO ANG
Me + You = Hate = Love? [On going]
RomansaUmaasa si Kay na magkakaroon siya ng payapang love life hopefully with her labidabs, Matteo. Nang dahil sa isang kasunduan, nakilala niya si Tristan na masungit. Kailangan niyang maiwasan ang kasunduan na ito para sa pinapangarap niyang prince charm...