One Shot Story # 2
~*~*~*~*~*~*~
Salamin at Lipstick
*BOOGSH*
"Umf!" Napabagsak ako sa sahig dahil sa malakas na suntok na ibinigay saakin. Takte! Hindi pa ba siya titigil? Tch, nagsasawa na ako sa ganitong buhay.
"Ano, Wallace? Kung ayaw mo na, ibigay mo na saakin yung gusto ko." yung wallet ko yung tinutukoy niya. Pagkasabi niya nun, agad naman niya akong kinuwelyuhan at akmang susuntukin niya ako. Umiling ako sa kaniya bilang sagot.
"Aba't?!--- Baka gusto mong basagin ko yang makalumang salamin mo?!" agad naman akong naalerto sa sinabi niya, kaya ibinigay ko na sa kaniya yung wallet ko. "Tch. Ibibigay mo naman din pala, LAMPA!' pagkasabi niya nun, agad naman niya akong ibinagsak sa isang malamig na semento. Lahat na pwede na nilang kunin, wag lang ang salamin ko. Galing iyon sa lolo kong yumao na.
Aish! Bakit ba kasi ganito nalang palagi ang takbo ng buhay ko? Palagi nalang ako nakukupitan at nabubugbog! Matagal ko na gustong i-give-up ang buhay ko pero hindi ko kaya kasi nasa tabi ko pa ang lakas at buhay ko-- ang girlfriend ko.
Ako nga pala si Wallace Smith, second year college na ako. Lace nga pala ang tawag saakin ng mga taong malapit saakin.
Ang pangalan ng girlfriend ko nga pala'y Kathryn Choo, maganda siya pero simple lang na tao. Kung iisipin nga'y napaka suwerte ko na kasi binigyan ako ng isang napakagandang biyaya. At ang biyayang iyon ay hinding-hindi ko kayang bitawan.
~*~*~*~
7:30 pm...
Nandito ako ngayon sa isang resturant kung saan gaganapin ang first anniversary namin ni Kathryn. Wala nga akong wallet pero may savings pa naman ako sa bahay. Sapat na iyon para dito, worth it naman din ang pagkaubos ng kalahati ng pera ko kasi ginagawa ko naman ito para sa babaeng mahal ko. Mahal na mahal ko si Kathryn, at alam kong mahal din niya ako kasi umabot kami ng isang taon na pagmamahalan.
Nakita ko siya na papunta na sa direksyon ko, kahit halatang hindi siya nakapag-ayos, maganda parin siya. Para saakin walang tatalo talaga sa ganda ng girlfriend ko.
"Happy first anniversary, Kath." bati ko sa kaniya. Tumango nalang siya bilang sagot. Sinundan niya ako sa direksyon kung saan kami kakain para ma-celebrate namin ang anniversary namin. Pagdating namin dun, agad ko naman siyang pinaghila ng upuan para may maupuan siya. Umupo na din ako pagkatapos.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories ( Romance ) [REVISED!]
Kurzgeschichten'Wag kayong mawalan ng pag-asa at sabihing "Wala namang nagkakagusto saakin. Paano pa ang may magmahal saakin"? Tandaan nyo, ang buhay ay Weather weather lang. (Joke lang!) Tandaan nyo, may isang tao na tatanggap sa'yo kahit sino ka man. -SaneWoman...