Crush

11 0 0
                                    

 Pag may nagtatanong sa akin kung gano na tayo katagal, sasabihin nila parang mas matagal pa tayo sa isang taon. Isang na tayo na Ken. Pero yung pakiramdam na binibigay mo sa akin para pa ring yung feeling na nakakasabay pa lang kita sa jeep.

Yung para akong timang na susulyap sayo, titingin sa may shed kung saan ka sumasakay, nagbabakasakali na bawat araw makasama kita, kahit sa byahe man lang. Hindi ko alam kung bakit kita naging crush. Hindi ka tall dark and handsome, ni hindi naman kita kilala personally, ni hindi ko alam kung mabait ka, o bading ka basta ang alam ko lang non kininilig ako kapag nakakasabay kita sa Jeep. Hindi ko alam kung sino ang nag initiate sa atin ng conversation o sino sa atin ang nag add sa Facebook, basta ang alam ko dun tayo nagkausap, dun tayo nagkaroon ng mga late night conversations at dun kita syempre unang nakausap.

Alam ko hindi mo ako gusto non, at siguro nageenjoy ka lang mag entertain ng mga kagaya kong humaling na humaling sa kapandakan mo, crush ka eh pogi eh. Ako naman tong si kilig na kilig. Galing mo kayang mangbola, at ako naman madaling ma-fall. Pero syempre hindi mo naman agad naconfirm na bet nga kita. Friends friends kumbaga. Kwentuhan  kwentuhan at pick up-an ng lines. Tapooooooos. One night, anak ng tipaklong, nag inum kami ng mga kaibigan ko, umuwi akong tipsy, lakas ng loob, sumakay ako ng jeep at sa may pinakadulo umupo para may pagpatungan ng kamay at makahalumbaba at matulog, bigla ka naming sumakay, naka black shirt at PE pants, nagising ang diwa ko na dapat eh iidlip na sa byahe para mahulasan bago makarating ng bahay, pero hindi sa halip na itulog kinabahan, bilis ng tibok ng puso, kasi naman yun na ulit yung unang beses na nagkita tayo mula nung maging close tayo sa social network. Hindi ko alam kung babatiin kita o ngingiti sayo, medyo malayo ka non e, mga 6 na tao ang pag-itan natin, dun ka pa sa sa dulo sumiksik pwede naman sa mas malapit para mas nagkachance pa na magkatabi tayo, tapos ayun pumara ka, pero bago ka bumaba tumingin ka pa sa akin at ngumiti ka, hindi ko alam magiging reaksyon ko, hindi na ako nakapagsalita kasi baka mapahiyaw pa ako. Pagkauwi ko non sa bahay online agad, tapos online ka din, nung gabing yon, inamin ko na crush kita. Dun tayo nagsimula. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon