Chapter IV : The Dream

11 4 0
                                    

“Whoaa”

Halos mapanganga ako sa nakita ko nang marating namin ang rooftop ng gusali kung saan namamalagi ang mga freshmen.

Tanaw ko mula rito ang halos lahat ng parte ng Metro City. Napaganda dahil napapalibutan ito ng asul na asul at nangni-ningning na dagat.

Pakiramdam ko'y tila nawala ang pagod na nararamdaman ko. Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na hangin na huma hampas sa aking balat.

"Ano Rain? Ayos ba?" Lumapit si Dan sa tabi ko nang mapansin nito na natuwa ako sa pinagdalhan nila saakin.

"Dina rin masama." Sagot ko naman sakanya. "Hindi ba tayo dito huhulihin ng security?"

"Bakit Rain papahuli kaba?"
Nakangisi namang lumapit si Mark saamin at umakbay pa sakin. "Bago natin problemahin mga yan. Kain kaya muna tayo? Ano sa palagay mo Rain?"

Kumikislap mata kong napatingin kay Mark. Sa wakas! Mayroon nadin siyang nasabing matino. Kung alam niya lang, kanina ko pa gustong marinig mga katagang iyan. Pero sandali! Fuck! Wala nga pala kaming dalang pagkain!

“tangna Mark! Ano kakainin natin? Sahig?”

Muli akong nanghina nang marealize kong tama, wala nga pala kaming dala at hindi rin naman kami bumili ng makakain. Wala din silang dalang kahit na anong gamit, tumakbo lang kami ng tumakbo kanina.

Pero kahit na ganoon ang sitwasyon hindi parin naalis ang ngiting nakaguhit sa mukha ni Mark medyo nakakapagtaka ito at pakiramdam ko meron siyang pinaplano.

“Manood kalang Rain!” Ani Mark at inilabas nito ang isang puting panyo mula sa  kanyang kaliwang bulsa at inilahad niya iyon sa amin ni Dan.

Napabuntong hininga nalang ako sa mga pinag gaga-gawa ni Mark. Si Dan ay mukhang nawalan na din ng pag asa sakanya at nauupo nalang sa sahig habang naka-pangalumbaba.

“Tsk, ayan na naman kayo eh. Hindi niyo panga nakikita hinuhusgahan niyo na kaagad!”

Nagtatampong wika ni Mark nang mapansin niya ang pagtalikod namin ni Dan sakanya.

Bigla niya namang ihinagis sa ere hawak niyang panyo. Lumaki ito at  pagbagsak ay mayroon nang napakadaming pagkain.

Sandwiches, mga prutas, karne, mga lata ng cola at may cake pa!

Halos mapasamba ako sa gulat ng makita ang mga ito. Si Dan naman halos gumapang na papunta dito at agad agad nagsimulang kumain.

“Walang anuman Dan.” Saad ni Mark. “Ano Rain? Nag dududa ka parin ba?”

Isang halakhak ang kumawala mula kay Mark, medyo nakaka inis ito pero sige, pagbigyan nalang total ang galing naman talaga ng ginawa niya.

Napagtanto ko na buti nalang pala dumating itong dalawa, kung hindi baka kung napano na ako. Pero paano pala nila nalaman na andito ako sa UHM? Eh wala naman akong nabanggit sakanila at paano nila nalaman na nasa panganib ako kanina? Medyo nakakapagtaka naman yata.

“Mark. Dan, bat kayo biglang lumitaw kanina? Paano niyo nalaman na naroon ako?”

Hindi ko na rin napigilan pang mag tanong. Tumigil si Dan sandali sa pagkain at bumaling saakin pero si Mark na ang nag salita.

“Narinig kasi namin yung usap usapan tungkol dun sa nangyari. Nalaman namin na ikaw yung lalaking tinutukoy nila pero nung una kala namin tsismis lang ‘yon. Kaso nang nadaanan kami kanina nung mga UHM security officers, confirm nga.”

“Teka. UHM security officers?”

“Oo, sila yung mga umatake sayo kanina. Nag uusap kasi sila kung paano ka nila paparusahan, narinig naming nabanggit ng isa sakanila ang pangalan mo kaya sinundan namin sila–”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Phantasm [Rise of the God of Time]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon