1: Kaklase
Humalakhak ako sa ginawa ni Sean. Kinikiliti niya ako sa taligiran ko at hindi niya parin ako binibitawan. Hinahawi ko ang kamay niya pero sadyang malakas talaga to.
"Stop it Sean, please.. Oh my!" Para akong maiiyak sa kakatawa.
Nasa classroom kami parehong dalawa at walang tao. Lunch time kasi ngayon at pareho kaming nagpaiwan ni Sean dahil nakibreakfast na ako sa bahay nila. Sobrang dami naming kinain kaya hindi pa kami gutom.
Isang taon na rin ang lumipas. Dito na ako sa Claveria nag-aaral. Isang malayong probinsya. Tahimik dito at mabubuti naman ang mga tao.
Kamusta na ba ako? Nakamove on na kay Cairo! Hahahaha. Can you imagine that? Super saya sa feeling. Napapangiti na lang ako pag naiisip ko siya. Wala ng bahid na sakit o kirot sa puso ko.
Si Erona naman, ang cute kong bestfriend, ay nagtatampo parin sakin. Kesyo daw ay hindi daw ako nagpaalam sakanya na dito na ako mag-aaral. After kasi ng graduation ay tsaka ko lang nalaman na uuwi na kami dito sa Claveria at dito na kami naninirahan. Ewan ko kay Mama dahil namimiss niya na raw si Lola kaya nagpasya silang lumipat na dito.
Wala na akong daddy. Namatay siya four years ago. Namatay sya sa sakit sa puso. And before he died, nagkaroon parin ako ng isang anghel na kapatid.
Masakit oo pero alam kong maayos na si Papa sa heaven. Shir Dee Albaserio ang name ng cute kong kapatid. Ako naman, Shaminah See Albaserio ang buong pangalan ko. Hindi ko alam kung saan kinuha ni Mama yan. Basta ang alam ko, unique name ang mga ito.
"No.. Hmm." Ngumisi si Sean at hinalikan ang aking pisngi pagkatapos ay kiniliti muli ako. Bwisit na lalaki to!
Namumula na ako sa kakatawa. Sean Hidalgo is my sweet and freaking-hot-boyfriend for two months now. Bago palang kami pero sobrang gaan na ang loob namin sa isa't-isa.
Nakilala ko sya nung first day palang ng school. Akala ko nung una na hindi na ako magmamahal muli kasi syempre yung kay Cairo hirap na hirap akong magmove on, magmahal pa kaya ulit ng iba diba?
Pero noong nakilala ko si Sean Delos Reyes, everything went to different way again. Kasi nakilala ko sya at for the second time, nagustuhan ko sya hindi dahil sa sobrang gwapo niya kundi dahil kakaiba rin sya.
I don't want to compare Sean to Cairo. Kasi malayo ang pagkakaiba nila sa isa't-isa. Sean's little bit clingy but sweet. While Cairo, para syang hari kung titingnan. Sabi ko nga noon na para syang tigre kung makatingin. Malalim ang mga mata at hindi mo mahuhulaan kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.
Grade 11 nang makilala ko si Sean. Actually hindi ko pa sya napapansin nung una bukod sa kaklase ko sya. ABM ang parehong strand namin dito sa CHSU. Kilala na si Sean dito dahil magaling siyang maglaro ng bola and sabi nila, palagi syang nagiging MVP.
Naging close kami ni Sean hanggang sa niligawan niya ako. But before that I told him that I am on the process of moving on. He sighed that time pero pursigido pa rin syang ligawan ako at tutulungan niya daw akong makausad.
Loving Sean is somewhat suprising me. I mean, oo mahal niya ako pero mas mahal ko siya. Nakakagulat ya part ko iyon. Na mas minamahal ko siya. At hindi ko alam kung bakit. Siguro natuto na ako dahil sa past relationship ko kay Cairo. Na kailangan mong iparamdam sa tao na gusto mo talaga siya, na mahal mo siya na. Na hindi ka magloloko.
Niyakap ko si Sean, "Pagod na ako. Tama na please?" Nagpuppy eyes ako at humalakhak lang siya.
Buti na lang walang tao. Baka masuspend kami ni Sean sa sobrang sweet namin sa isa't isa. Hahahaha.
Grade 12 na kami and nasa first sem palang. Nakakainis nga eh kasi kulang pa kami ng isang kaklase. Big deal kasi yun dito sa school na to. Na kailangang singkwentang estudyante bawat silid dahil hindi makakasali ang isang section sa mga big events kapag hindi kumpleto.
By now, ang sabi ng adviser namin ay may transferee kaming kaklase. So by this week ay makilala namin sya.
"Okay. Gutom ka na ba? What time is it?" Tiningnan ko ang relo ko at pasado ala una na. Mamaya ay magsisimula na ang klase.
Umiling ako at napanguso. Gusto konv gumala mamaya pero wala akong kasama. Si Cindy, iyong isa kong bestfriend dito sa Claveria ay nagbakasyon sa Tuguegarao. Isang linggo daw sila doon kaya wala akong kasama. Si Sean kasi may lakad tuwing hapon. Sinasama sya ng daddy niya sa negosyo nila. Kesyo daw ay kailangan ng itrain ng maaga si Sean para sa business nila dahil siya ang magmamana dito.
"Hindi. Magsisimula na ang klase mamaya." Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsiklop ito.
"Shami.." Hinawi niya ang buhok ko at bumulong sa tainga ko.
"Bakit?"
"I love you. Alam mo ba yun?" He said in a husky voice.
Of course alam ko. Open na ako sakanya. His family likes me. Ganoon din sina Mama sakanya. Maging si Shir ay palaging hinahanap ang Kuya Sean niya. Napapangiti na lang ako.
"Siyempre Sean, I love yo-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay hinalikan niya na bigla ang labi ko.
Napatigil ako pero nagrelax din. Sanay na ako sa biglaang mga halik niya. He's my first kiss. And I don't mind giving my first times to him. Because he is worth it to love.
Nang lumayo sya sa akin ay biglang kumalabog ang pintuan. Halos mapatalon ako sa nakita kung sinong pumasok.
Kumunot ang noo ko nang makita ko syang umupo sa kabilang row ng upuan. Tamad niyang nilapag ang gitara sa gilid niya at binitawan ang itim na bag sa likod ng upuan niya.
Hindi niya ako ulit sinulyapan nang dumapo ang tingin ko sakanya. Pareho kaming gulat ni Sean sa BAGO NAMING KAKLASE.
"Siya ata ang bago nating kaklase, Sha.. He's a snob." Ani Sean pero hindi ko sya nilingon dahil na kay CAIRO NEXUS ALCANCES ANG TINGIN KO.
OH MY GOD. Bakit siya nandito? Paano sya napadpad dito? Dito ba sya mag-aaral?
And damn, hanggang ngayon ay ganyan pa rin ang awra niya. He is still a freaking cold cold person.
And God, kung dati sobrang gwapo siya, dumoble na ngayon.
No, no, no Shami. May boyfriend ka na. Nakamove on na ako so kailangan kong balewalain ang presensya ni Cairo.
"Hey bro! Ikaw ang bago naming kaklase?" Tanong ni Sean sakanya.
Wala akong ibang reaksyon kundi ang pagkagulat.
Unti-unting lumingon si Cairo sa direksyon namin. His jaw clenched when he saw me. Agad ding napalitan ito ng magsalita sya.
"Oo." Aniya at nanatili parin ang tingin sakin.
My heart starts beating fast. This is not about how I feel for him, kinakabahan ako sa tingin niyang hindi ko maintindihan. May something sa mga mata niya na may galit at panghihinayang.
Galit, really Shami? Alam mong noon pa man ay galit na siya sayo. Pero ang panghihinayang? Hindi ko alam. Panghihinayang para saan?
"Ah okay. What's your name then?" Pahabol na tanong boyfriend ko sakanya.
Hindi ko kinaya ang intensity ng tingin niya sa akin kaya napatayo ako at binalingan si Sean na nakatingala na sa akin.
"C-CR lang ako Sean. Hintayin mo ako dito ah?" Ngumiti ako at hinalikan muna ang noo niya bago nagpasyang umalis.
I can't face him right now. Hindi ko kayang suklian ang mga titig niyang hanggang ngayon ay punong puno pa rin ng pagkamuhi. Hindi ko alam kung bakit.
YOU ARE READING
Scars between our hearts
Romance"I can heal your wounds, I can heal your pain, I can heal you but you can't heal the scars between our hearts."