7 Months of Being A Stalker

10 0 0
                                    

7 months ago... Nainlove ako sa isang lalaking may malalim na dimple.

Sa loob ng 7 months na iyun. Parati akong updated sa lahat ng ginagawa niya. Kung nasan sya, anong ginagawa nya, pati narin ang mga nilalalike at kinocommentan nya sa facebook alam ko rin. Bakit? Kasi inlove ako sa kanya. Para sakin. Idol ko siya. At Mahal ko din siya. Mahal nga ba? O like lang? Ang sabi kasi kapag tumagal ng 3 months ang pagkakaroon mo nang crush sa isang tao. Love nadaw yun. Arte naman nila. Para sakin kasi isang taon ang bibilangin para makumpirmang mahal ko na nga sya. So ano?

It's been 7 months simula nung una ko siyang nakita. Na isang araw naisip ko nalang na crush ko na pala siya at gusto kong malaman lahat kung ano ang tungkol sa kanya. 7 months na nya akong stalker. O! Scratch that! Admirer niya ko. Sa cute ko to? Hindi bagay sakin ang stalker.

Maraming nangyari sa loob ng pitong buwan. Mga kilig moments na ako lang ang nakakaramdam tuwing makakasalubong ko siya, tuwing magkakadikit ang mga braso namin,kapag nakakausap ko siya, kapag nakikita ko siya araw-araw ,at lalong lalo na kapag nakakasama ko siya sa activities ng school.

Oo hindi kami magkaklase. Wala rin akong communication sa kanya. Sa hindi sinasadyang pagkakataon at sa sinasabi nilang nilang tadhana. Meron din akong club na hindi ko alam ay kasali rin pala siya. Oo inaamin ko mas matalino siya sakin. Pero naging masikap ako lalong mag-aral. Huwag kayo. Higher section din naman ako no. Hindi naman ako bobita.

Tanging mga kaklase lamang niya ang nagsasabi sakin ng mga ginagawa niya. Nasanay siyang nasa paligid niya ako at may mga kaibigang palaging tumatawag sa kanya kapag nakikita siya. Nasanay din siyang nakikita akong hinihila ng mga kaibigan ko papalapit sa kanya. Nakilala niya ako dahil sa mga kaibigan ko.

Ang tanong?

May nadevelope kaya sa lalaking hinahangaan ko sa loob ng 7 months?

Maari kayang magkaroon ng feelings ang isang lalaki sa umaaligid na babae sa kanya sa loob ng 7 months?

Abangannn.....

7 Months of Being A StalkerWhere stories live. Discover now