Ice Cream

396 18 4
                                    

All rights reseved © 2015

- - - - - - - - - - - - - - - - -

Nasa Ice cream shop ako ngayon. Stress kasi ako bwisit kasi yung lalaking yun! edi dun sya sa impokratang babaeng yun! magsama sila!

" Miss isa nga pong ice cream, Cookies 'n cream, sa cone po palagay. Thank you!" umorder na ko. kanina pa kasi ako naiistress. kaylangan ko na ng stress reliever!

"ito na po Maam! Cookies 'n cream ice cream! thankyou!" sabay bigay saken nung inorder ko. wow! yummy! bwiset kang lalake ka! ahh naaalala ko nanaman yung boyfriend kong g*go!

ako nga pala si Rian Cruz, Im 18 years old, lady with a man. May boypren akong g*go! bwiset!

"Hi Miss! pwedeng makishare ng table?" tanong ni...Bestfriend!

napayakap naman ako sa kanya! namiss ko sya ang tagal na naming hindi nagkikita. pumunta kasi syang states.

"y-yung ice cream ang lamig Rian!" sabi ko nga.

"Sorry. bwiset ka kasi! kailan ka pa dumating?" tanong ko.

" kanina lang" wow! bat niya alam na nandito ako?

"ginulat mo ko!" sabay pitik ko ng ilong nya. gumwapo sya lalo ngayon.

napatingin naman ako dun sa shirt nya. may Ice cream, nga pala natapunan ko siya kanina.

inilabas ko naman yung panyo ko at lumapit sa kanya ng bahagya at pinunasan yung natapunan ko kanina. bandang dibdib nya iyon.

"Uy wag na ano bang ginagawa mo?" nagtataka nyang tanong.

"wag ka ngang malikot! dyan ka lang!" sabi ko sakanya.

sa di kalayuan naman nakita ko yung Bwiset kong Boyfriend at anak ng tokwa! may kahalikan pang babae.

naiiyak ako.

Ansaket.

bakit ko ba sya minahal pa kung alam ko naman na ganyan syang tao. mapaglaro.

"hoy Rian! umiiyak na yang ice cream mo at pati ba naman ikaw?" bumalik ako sa wisyo nang narinig ko yung boses ni Bespren Bei as in Bifen Erick Ilagan. buti pa siya.

naiyak na pala ako. hindi ko namalayan.

"sorry nakita ko kasi yung boyfriend kong g*go, sorry talaga." nag iba naman yung ekspresyon ng mukha nya.

parang nanghinayang.

"May boyfriend ka na pala." matamlay nyang sabi.

nag nod naman ako.

"una na ko. bukas nalang punta ka dito bonding tayo!" sabi nya.

"Okay! sige bye!" sabi ko. ako naman umalis narin maya maya.

***

bahay*

"oh bakit ang panget ng itsura ng kapatid ko" pang aasar ni kuya.

"ang panget mo din kasi!" sabat ko.

"ay ang sama ni Rian! *pout* pustahan nag away kayo ng boypren mo kaya naman pumunta ka kanina sa ice cream parlor!" sabi nya habang naka pout pa. tinusok tusok nya pa ako. bwiset tong kuya ko! napaka supportive talaga!

"Akyat na ko sa taas!" sabi ko sabay irap sakanya.

"uy Joke lang yun!" sigaw ni kuya.

***

"Oh my Gosh friend! may boyfriend na ko!" sigaw ng bespren ko. sakit sa eardrums.

"Congrats!" matamlay kong sambit.

"hindi ka ba natutuwa? naunahan kitang mag boyfriend wahaha!" sabi nya. naunahan? tss. kung alam mo lang. may boyfriend na ako kaso g*go.

"o sige na nga makaalis na wala ka namang balak kausapin ako e. geh babay na gora na ko puntahan ko pa si boyfiee! yay!"

umalis na si Angel, kaibigan ko.

"ay oo nga pala mag babonding kami ngayon ni Bei!" bulalas ko.

kaya pumunta na ako sa ice cream parlor. malapit lang samin yun kaya naman naglalakad lang ako.

***

andito na ako. napansin kong maraming tao baka may gimik nanaman yung may ari kaya madaming pumupunta.

bago pa ako umupo bumili muna ako ng ice cream as usual cookies 'n cream na naka apa.

pagkabili ko agad naman akong umupo dun sa kahapong table na inupuan namin ni bespren Bei.

tumingin tingin ako sa paligid. at anak ng teteng!

yung kaibigan kong si Angel at yung G*go kong boypren naghahalikan. siya? siya yung ipinagmamalaki ng kaibigan ko? gago talaga sya! walanghiya sya napaka manloloko nyang tao!

pinigilan kong umiyak kaso pumalpak ako pumatak yung luha ko kasabay ng pagpatak ng ice cream na hawak ko.

akala ko kasi sya na talaga.

sya na yung Forever ko.

yun bang masasabi ko na 'and we live happily ever after'

kaso kinain ako ng katangahan ko.

"Hoy Rian umiiyak ka nanaman! umiiyak na din tuloy yang Ice cream mo!"

si Bespren Bei. sana sya nalang.

"hwag ka nang umiyak pumapanget ka eh" sabay punas ng mukha ko.

napayakap naman ako sa kanya.

"Thankyou palagi mo nalang ako sinasalo at tinutulungan sa tuwing may problema ako. lagi kang timing! at salamat kasi ikaw ang nagpapatahan saakin sa tuwing umiiyak ako kasabay nitong ice cream na to. thank you Bei!"

WAKAS.

Maraming Salamat sa Pagbabasa!
(Patawad din! Dahil hindi ko talaga alam kung Anong Pinaglalaban ko dito :)

-Sai

Ice CreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon