PROM ♥
written by AvvaMaldita
***
Avva's note:
Hi Avvalers! (Avva followers XD) Bago po ang lahat, I just want you to know that this story was supposed to be published nung february. Kaso nga lang sa sobraaaaaaaang busy, ayun nadelay ng nadelay hanggang sa ayun, sabi nung pinsan ko ipost ko na daw para pumatok at marami pa ang kiligin. :))) And I hope na magustuhan niyo po ito. Kasi maski yung kili-kili ko kinikilig XD. At sa mga nag-aabang ng update ng "Buhay ng may Fiance" pasensya na po kung hindi ko natutukan yung storyang yun. Ongoing po yung pagsusulat ko kaya no worries. Gusto ko kasi pag pinublish ko yung updates eh back to back. Mga limang chapters ganun, para naman bawing bawi ako sainyo. Hehe. Salamat!
Sana magustuhan niyo to! Dedicated to sainyong lahat :))
***
Ilang oras na lang, Juniors Prom na! Kyaaaa! Excited na ako! Grabe, di ako makapaniwala. Syempre sa ilang weeks ba namang preparations namin. This is it pancit!
"Uy, Iya! Sino escort mo maya?" tanong sakin ni Lynn.
"Hmm. Wala eh. Haha. Ikaw ba?"
"Yun na nga eh! Wala man lang akong escort! Bwisit. Sa ganda kong 'to, wala akong escort?" aniya.
"Kaloka ka talaga. Hayaan mo na. Pwede naman tayong maging mag partner eh."
"Asus. Teka, bakit di na lang kaya si Den ang escort mo?"
"H-ha?"
"Ayiiiiiee! Nagba-blush! May nangyaring maganda no?"
"Kasi naman."
"Kwento, dali!"
"Eh kasi kagabi, nagtext siya sakin." panimula ko.
"Oh tapos? Dali na, pabitin ka naman eh."
"Okay fine. ayun nagtanong siya kung sino daw last dance ko."
Aww. Eh syempre kilig naman ang lola niyo! Haba ng hair! Ikaw kaya, pag tinanong ka ng crush mo ng ganun, anong sasabihin mo?
"Anong sabi mo? Umoo ka ba? Kyaaaaaa!"
"Wait lang, anong oo? Bakit nagtanong ba siya kung pwedeng siya ang last dance ko? Haha."
Sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Sabi ko nga magkukwento na ako. Syempre ang dalagang Pilipina, pakipot muna! Kahit gusto kong itanong na, Gusto mo ikaw na lang? Pero nakakahiya naman pag ganun. Kaya sabi ko na lang na I dunno, kung may magyaya man, edi isayaw."
"Yun lang?"
"Yun lang. What do we expect. Tsaka wag munang mag assume, okay?"
"Eh paanong hindi ako mag-aasume! Mygash Iya! Ilang weeks ka na kaya niyang binibigyan ng letters sa locker mo!"
Speaking of letter, kasi naman 2 weeks na yatang may nagbibigay ng letters sakin, I mean pag bubuksan ko yung locker ko, magugulat na lang ako kasi may nakalagay na letter dun. Kung hindi poem o di kaya banat, lyrics ng kanta lang naman ang laman nun. Gusto niyo sample? Eto.
Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw, ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo, ang awit ng aking puso
Sana ay mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin.