The Monster and I

26 0 0
                                    

[A/N: Dedicated sa author ng BOYFRIEND CORP na si Madam Kitin. Team KM pa rin! *w*]

***

"Nalinisan na ng nguso mo yung sahig kakasimangot mo."

Eto nanaman ang best friend kong sobrang ingay. Binabadtrip ako lalo.

Pano ba naman kasi, pagpasok na pagpasok ko, napagalitan ako ng guard kasi hindi daw maayos ang pagkasabit ng ID ko sa leeg ko, natamaan pa ako ng bola ng soccer sa likod ko.

Dagdagan pa ng kaklase kong walang ibang sinabi sa akin kundi, "RAWR."

Yun lang. Ang nakakainis, since Grade 1 ko syang kaklase at hindi nya ako kinakausap. 'Pag nakikita nya ako sa umaga, sasabihan nya lang ako ng "RAWR" at hindi na ulit mamamansin. At isipin mo, araw-araw nyang ginagawa yon at ngayon, 4th year high school na kami.

Hindi ko maintindihan yung RAWR na yun. 'Pag tinatanong ko sya, sasabihin nya nanaman yung "RAWR" at lalakad palayo, kaya hindi ko na sya masyadong pinapansin.

Lumipas ang araw na litaw pa sa palitaw ang utak ko (meh, korny). Last subject, English Literature. 

*buntong hininga* FINALLY LAST SUBJECT NA *buntong hininga*

"Get a piece of scratch paper and in your own words, define LOVE." pagkasabi ng teacher namin ng ganun, sobrang daming nag react kasi naka relate sila. Mga maagang lumalandi. Tsss.

"Ano isusulat mo, Xylle? Love is blind? Hahahaha!" pang-aasar ng best friend ko. Oo na, sorry naman kung frontman ako ng NBSB. Napapagkamalan pang tomboy. Tss.

"Bahala nga!" sabi ko kasi 15 minutes lang ang binigay sa amin ng teacher.

Isa-isa na kaming pinatayo sa harap para sabihin yung sinulat namin, at yun daw ang basehan ng attendance sabi ni sir.

"Love has nothing to do with what you are expecting to get — only with what you are expecting to give — which is everything."

"Love is just like coffee-- it can be brewed, iced, blended, strong, mild; for short, kanya-kanyang timpla. *wink*"

"Love is like bangus-- yummy yet matinik."

"Love is...an open dooooooooor, life can be so much moooooore with you, with you, with you, love is an open door. *wink*" at nagtawanan yung kaklase namin sa baklang classmate namin na kumanta. Napailing si sir at natawa nalang din sya.

Kinakabahan ako kasi naglalakad na ako papunta sa harap.

"Love is like finding the end of a scotch tape-- you don't look for it, but you have to feel it."

Bumuntong hinga na ako nung natapos na ako kahit nag kakantsayawan mga kaklase ko. Pinabayaan ko nalang sila. Duh.

"San galing yon, Xylle?!"

"I-feel mo na ang love, Xylle!"

"Umeebeg na si Xylle!"

Kung alam lang nila...na laman lang yun ng GM na natanggap ko sa isang kaibigan ko.

Hindi ko na pinakinggan yung iba pa at nagulat ako nung yung huling studyante na ang magdedefine ng kanyang understanding about love.

"Zade, dun ka tumayo sa harap." sabi ni sir at pailing naglakad nga si Zade na may dalang maliit na piraso ng papel.

Huminga sya ng malalim. Tiningnan yung papel nya.

"Love is..." may hinahanap sya sa mga kaklase ko. Halos kaming lahat nakatingin sa kanya at naagaw ang atensyon namin.

Nagulat ako nung sa akin nakatingin si Zade. 1..2..3..4...5 seconds. Ngumiti sya, nakatingin pa rin sa akin.

"RAWR." at bumaba na sya ng upuan.

"Boom panes!"

"Wooo mula grade 1 pa pala yung rawr mo, Zade!"

"X Y... Zade! Bagay!"

"Scotch tape nga!"

Pang-aasar ng mga kaklase ko. Gulat na gulat pa rin ako.

Naglakad na ako pauwi nung may humigit ng kamay ko. Tiningnan nya ako at ngumiti.

"Zade." tawag ko sa kanya. 

Nakangiti pa rin sya. Bigla nya akong hinalikan sa pisngi.

"Rawr."

The Monster and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon