Chapter 2: Fate's Plan

15 0 0
                                    

(Courtney)

*Flashback* Five years ago.

“Ms. Atienza, please come to my office now.” Tunog ng intercom na nagmumula sa office ng Editor-in-Chief ng agency namin. Ano na naman kayang sasabihin ni sir? Nakakatakot naman.

So yun, papunta na ako sa office ng EIC. Baka may bagong assignment na naman ako. Exciting. Hahaha. J Pagkapasok ko sa office ni Sir EIC,

“Ms. Atienza! Come in and have a sit!” Nakakagulat naman ‘toh. Tsk.

“Ah, ano po ba ang pag- uusapan natin, sir?” Tanong ko.

“Oo nga pala. Kaya kita pinatawag dahil may bago kang assignment na gagawin. Since ikaw ang isa sa mga kolumnistang nagustuhan ko ang trabaho, gusto kong subukan ang creativity mo sa pagsusulat.”

“W-What do you mean, sir?”

“What I am trying to say is, gusto kong gumawa ka ng isang entertainment feature. Yes I know you are a columnist at napatunayan kong magaling ka talaga sa langarang iyon. But I know you have something more that you can give. So this time, I am giving you a big break, make an entertainment feature and show me what you’ve got.” Grabe ha? Ipangalandakan ba naman na magaling ako? Eh alam ko na yun e. He don’t need to shout it out so the world could hear.

“Eh sir, I don’t think I can do it well. Yes I can make an Ent. Feature, pero I don’t think bebenta yun. It’s not enough na alam ko lang. Pero syempre sir, kailangan alam na alam ko talaga. You know what I mean. Sir kahit ilang column ang ipagawa niyo sa ‘kin gagawin ko. But not that sir.” Apila ko. Syempre ayoko naman no. Baka mamaya pumalpak ako. Masesante pa ako.

“No more but’s, Ms. Atienza. I don’t take ‘no’ for an answer.” Pinagpilitan pa talaga. Tsk. Sige na nga. I’ll accept it na.

“Okay, sir. I’ll accept it.” Tango ko. “By the way, sir. Sino po ang igagawa’n ko ng feature story?  Since entertainment po  ‘yon, I think that would be a celebrity, right?” Paningurado ko. Sino nga ba? Nae’excite naman ako nito. J

“Oo nga pala. Buti at pinaalala mo. Since natanong mo na rin lang, gusto ko’ng si Frionne Rhazz Cortez ang igawa’n mo ng feature story.” Hell what?! Grabe. Bakit siya?

Yes I know Frionne Cortez. He is famous for being the Most Valuable Player of all time. Siya ang pinakasikat na basketball player dito sa Pilipinas. Bukod doon, siya rin ang pinakamailap na celebrity sa media. I never seen him faced the camera or what. He don’t even last an interview. Pa’no ko magagawa’n ng kwento yun? Ano ‘to, biro? Big break nga, buwis buhay naman. Tsk.

“Sir, bakit siya? Bakit hindi na lang iba? Sir bakit naman si Frionne Cortez pa? We all know that he’s too irritated of media. Then he will be the cover of my story? That’s insane,sir.” Reklamo ko.

“That’s my very point, Ms. Atienza. Sa tingin mo, kung sino-sino lang ang ipapa’feature ko? Of course not.” He paused. “Remember, that our main goal is to entertain people. Inform them and surprise them. At kung si Frionne Cortez ang magiging feature natin, for sure, magiging mabenta ang paper natin. Right? Did you get what I’m trying to say?” Well, sabagay. Pero ang tanong, paano ko naman makukunan ng impormasyon yun?

“Sir, one last question. Paano ko po makukunan ng kwento ang isang mailap na tao? Eh sa hinagap nga hindi ko inisip na magpapa’interview yun.”

“It’s so easy, Ms. Atienza. First step, follow him. Second, befriend him. And third, ask him. In short, interview.” Ang labo naman ng lalaking ‘to. Paano nga? Makulit lang.

“Eh sir, paano ko nga po siya masusundan? Eh hindi ko nga po alam kung saan siya makikita. Summer po ngayon, sir.  Kaya nakakalat yun ngayon sa kung saan.”

You Always Will Be My Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon